Mini-bus vs van, 22 sugatan
KAWIT, Cavite. – 22 pasahero ang sugatan at kasalukuyang inoobserbahan sa ospital matapos mabangga ng Mitsubishi Fuso ang mini bus na kanilang sinasakyan habang tumatawid sa Tirona Highway, Brgy. Marulas, Linggo, Setyembre 3, 2023.
Kasalukuyang inoobserbahan sa ospital ang 21 pasahero at ang driver ng mini bus na kinilalang sina John Carlos Robles Tampos, driver, nasa hustong gulang, Crissa Ocampo Feliciano, Madeline Theressa Rodriguez Olmoguez, Teresita Centero Kraus, Myrna Centero Romero, Riza Jane Sevegan Berondo , Mark Joseph Alfaro Amar, Jurisa Bandarlipe Luna, Airis Bandarlipe Luna, Seandale Bandarlipe Donato, Rodolfo Lagarto Bandarlipe, Salvacion Ilao Bandarlipe, Judy Lucban Ocampo, Annaliza Tulao Catimbang, Mary Jean Amor Sumagdon, Nashnine Tulao Catimbang, John Paolo Reantaso Mediran, Vinzavian Talla Francine Igat, Mark Joseph Alfaro, Jenica Obrero Tome at Rhaiven Diwa Delara, pawang mga pasahero.
Sa nakalap na ulat mula sa Kawit Polie Office, alas-12:45 ng tanghali nang maganap ang insidente sa Tirona Highway, Brgy. Marulas, Kawit kung saan tumatawid ang Rebuilt Baby Bus na may plate number DXB247 at minamaneho ni Tampos patungong Bacoor nang mabangga ito ng Mitsubishi Fuso na may plate number DWC494 at minamaneho ni Rowell Alburo Tome, nasa hustong gulang.
Dahil sa lakas ng impact, muntik nang bumaligtad ang bus.
Naipit ang driver at nasugatan ang mga pasahero. Agad namang dumating ang Kawit MDRRMO at isinugod ang mga sugatang biktima sa Binakayan Hospital.