Mikee Larawan: Screengrab from Mikee Quintos/IG

Mikee Quintos di happy, may pinagdaanan

September 6, 2023 People's Tonight 198 views

DAMING good naman na nangyari sa life ko, pero ‘di ako happy,” iyan ang naging update ng Kapuso actress na si Mikee Quintos kasama ang kanyang nobyo na si Paul Salas, sa Instagram reel nito.

Dagdag pa ng aktres, pressure umano sa trabaho, bahay, at business ang umano’y dahilan na na-feel niyang hindi sa naging happy.

“Pressure sa life, trabaho, school, bahay, lahat at business na pinapasok kong bago. Na-miss ko yung self ko na excited lang at kinakaya ko lahat,” sabi niya sa video.

Mangiyak-ngiyak na sinabi ng aktres na ‘yung mga bagay na naranasan niya ngayon ay hindi maging label ng worth niya bilang isang tao. Sey din ng kanyang nobyong si Paul, naka-apekto rin umano sa kanyang girlfriend ang mga negatibong sinasabi ng ibang tao.

Aniya,” Mga things na ‘yon hindi magla-label ng worth ko. Yung kilala kong Mikee happy, umo-oo lagi sa pagpi-picture. Tapos nag-enjoy ako na napapangiti ko yung mga tao, sa simpleng makita lang nila tayo.”

Pag-amin pa ng aktres na nalunod umano siya sa kaisipan na na-feel niyang parang nag-iisa na lamang siya at wala umanong nakakaintindi sa kanya.

“Nalunod ako masyado na parang mag-isa na lang ako at walang nakaintindi sa akin.Kailangan kong kayanin kasi walang nakaintindi sa akin. Kaya importante talaga kung paano mo kausapin ang sarili mo,” dagdag pa ni Mikee.

Proud naman ang aktor na si Paul sa kanyang girlfriend dahil napaka-honest umano nito at napaka-concern sa followers nito.

AUTHOR PROFILE