Showtime Larawan: Amy Perez Castillo/IG

Amy Perez: Love will keep us together!

September 6, 2023 People's Tonight 253 views

IBINAHAGI rin ng aktres at isa sa mga host ng noontime show na si Tyang Amy Perez ang kanyang appreciation post at mensahe sa “It’s Showtime Family.

Sa kanyang Instagram post, isang maikling caption na “Love will keep us together!” kalakip ang litrato ng buong Showtime Family.

Bukod kay Amy, nagbahagi rin sa kanyang Instagram ang co-host at aktres na si Kim Chiu. Aniya, “FAMILY@itsshowtimena family mahal ko kayong lahat!!!! ano man ang mangyari basta’t magkakasama tayo. Together as One!”

Bumuhos ang kalungkutan sa comment section ng dalawang nabanggit na post, ito’y matapos ang 12 airing days na suspensyon na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kaugnay ng patong-patong na reklamo raw sa kanila.

Unang pumutok ang isyu ito’y matapos ang pagsita ng social media personality na si Rendon sa isang segment ng nasabing programa, kung saan kita lamang ang sweetness ng magkasintahang Ion Perez at Vice Ganda.

AUTHOR PROFILE