Ivana Larawan: Ivana Alawi/IG

Ivana papakabait na, no more pranks

September 6, 2023 People's Tonight 260 views

MASAYANG-MASAYA ngayon ang kapatid ng social media influencer ni Ivana Alawi na si Mona, matapos makatanggap ito ng bagong kotse.

Bukod sa kotse may sweet na mensahe si Ivana sa kanyang pinakamamahal na kapatid.

Aniya, “Happy birthday to my bestie. Papakabait na ako promise wala na muna pranks. Enjoy your new car.”

Deserve na deserve naman ito ni Mona dahil bukod sa mayroon din itong vlog na pinagkakaabalahan, makikita rin itong tumutulong sa kanyang ate Ivana para mag-online selling sa TikTok.

“I’m so grateful sa inyo. I love you. Thank you so much ate,” sey naman ni Mona Alawi na 19-taong gulang na noong Agosto 19.

AUTHOR PROFILE