Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

September 6, 2023 People's Tonight 340 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4BEAUTY is in the eye of the beholder.” Ito ang saad ng nakararami pero para sa angking ganda ng mga mata pa lamang ng TikTok star na si Kez ay talaga namang malinaw na nagniningning ang kanyang ngalan sa nasabing social media platform.

Si Keziah Gentozala o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Kez” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 1.9 million followers at 19.6 million likes sa kanyang account na may username na @kexxxxxxxxxx. Bukod pa rito, sinusubay-bayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram, na mayroon nang 67.6 thousand followers sa kasalukuyan.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda at cute image, kaseksihan, beauty tips, at husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Ilan sa kanyang mga video ang nakaagaw ng atensyon, kabilang na ang kanyang viral beautiful sleepy eyes video sa kantang “White Tee” ni DJ chen na mayroon lang namang 69 million views at 11.2 million likes. Pinusuan din ng netizens ang kanyang cute video sa isang viral sound na mayroon nang 16.7 million views at 1.2 million likes.

Tunay ngang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Kez sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang kali-kaliwang brand partners ng dalaga.

@kexxxxxxxxxx

Blee

♬ оригинальный звук – user74630321860

@kexxxxxxxxxx

My mini me

♬ original sound – shiza

AUTHOR PROFILE