Bataan

MGA RUSO MAG -I-INVEST SA BATAAN

April 4, 2024 Christian D. Supnad 96 views

Sa pakikipagpulong ni Gov. Joet S Garcia (gitna) kina Artyom Tsinamdzgvrishvili at Yury Nyrkov, trade representative ng Russian Federation in the Philippines (TRRP), Amerigo Tatel, Michael Abaya ng B2BVostok ay tinalakay nila ang mga tungkulin ng TRRP na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya, gayundin ang pagbalangkas ng mga programa kaugnay sa pagsasanay ng mga IT specialists na makatutulong sa pagpapalaganap ng makabagong teknolohiya sa Pilipinas at Russia.Kasama ang Bataan PPPIC, ibinahagi ng gobernador ang mga kasalukuyan at pinaghahandaang proyekto sa lalawigan gaya ng 18 FAB expansion areas, Bataan Transshipment Hub, Manila Bay Integrated Transport System, pagsusulong ng renewable energy at electric transport, at pagpapaunlad ng turismo. Kuha ni CHRISTIAN D. SUPNAD