BBM

Mga kalaban ni BBM dapat baguhin ang strategy

March 6, 2022 People's Tonight 449 views

TulfoDAPAT siguro baguhin na ng mga kalaban sa pagkapangulo ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang kanilang stratehiya para umangat sila sa survey.

Ayon sa political analyst na si Atty. Edwin chico, hindi na tumatalab ang mga banat at paninira kay BBM ng mga kalaban.

Ani Chico, mapapansin naman na kahit nagsama-sama na ang mga civil society, religious groups, dating mga politico at former officials ng gobyerno, at grupo ng mga negosyante sa walang humpay na banat sa pamilya marcos, hindi na raw ito epektib.

Pati mga katunggali nya sa eleksyon, halos magkaisa sa pagtira na magnanakaw ang pamilya ni BBM at pag-abuso sa kapangyarihan ng ama nito at pagkawala at pagkamatay ng maraming tao noong martial law, tila bingi na rin ang taumbayan.

Sa isang panayam sa nagbabalik sa Senado na si Chiz Escudero,pinaliwanag niya kung bakit hindi na umuobra ang mga tira kay BBM.

Ani Chiz, “Parang isang tao na nakasuot ng puting damit. Pag binato mo ng putik kita agad ang dumi di ba?”

“Pero kung lagi ng binabato yung puting damit ng putik, hindi na ito papansinin ng tao dahil puro putik na ito,” dagdag ni Escudero.

Pahabol pa ni Chiz, nasanay na ang mga tao na laging binabato ng putik ang mga Marcos.

Ayon pa kay Atty. Chico, tila sarado na o buo na ang desisyon ng mga supporters ni BBM na iluklok siya sa pagkapangulo kahit ano pang akusasyon ang ibato sa kanya.

Madami na raw naging pangulo pgkatapos ng nakakatandang Marcos pero lahat tila wala namang nagawa para ayusin ang buhay ng mga tao o iahon ang bansa sa kahirapan dagdag ni Chico.

Kaya ngayon daw gusto nilang subukan naman ang anak ng sinasabi nilang diktador na marami-rami ring naipatayo na imprastraktura, naayos ang pagsasaka, at nagpasimuno sa pagbibigay ng mga lupa sa mga magsasaka na walang masaka noong dekada sitenta at otsenta.

Sa halip daw na banat kay BBM ang atupagin ng mga kalaban, bakit hindi raw mag-focus sila sa gustong marinig at inaasahan ng mga tao?

Dahil kapansin-pansin daw na tuwing binabanatan, hinahanapan ng isyu at pinagtutulungan ng mga kalaban, lalong namamayagpag sa survey si Marcos. Ni ErwinTulfo

AUTHOR PROFILE