TVJ

Mga haka-haka tungkol sa mangyayari sa TVJ at ‘Eat Bulaga’

June 1, 2023 Aster Amoyo 582 views

EBANG noontime viewing habit ng mga Pilipino sa top-rating and longest-running noontime show on Philippine Television, ang “Eat Bulaga!” won’t be the same anymore matapos maputol ang ugnayan ng “Eat Bulaga!” hosts na pinamumunuan ng triumvirate nina dating Senate President Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon sa bagong pamunuan ng noontime program, ang TAPE, Inc. na pinamumunuan ng businessman at dating kongresista as Chairman na si Romeo `Romy’ Jalosjos at dati nitong business partner na si Antonio `Tony’ Tuviera as president and CEO. Si G. Tuviera ay pinalitan ng isa sa mga anak ni G. Jalosjos na si Romeo `Jon-Jon’Jalosjos, Jr. bilang bagong president and CEO ng kumpanya nung nakaraang March 2023 habang si Seth Frederick ` Bullet’Jaloslos as Chief Finance Officer (CFO).

Kahit may problema na sa pagitan ng TVJ at sa new management ng TAPE, Inc., patuloy ang mga host sa pagre-report sa programa tulad nung nakaraang Miyerkules, May 31, 2023. Pero hindi sila pinayagang mag-ere nang live at sa halip ay isang replay episode ng Eat Bulaga! ang ipinalabas.

Sa pamamagitan ng YouTube channel ng Eat Bulaga! ay nakuha pa ng tatlong poste ng programa na sinaTito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na magpasalamat at makapagpaalam sa viewers.

It was a sad day for Tito, Vic & Joey at iba pang Dabarkads maging sa bumubuo ng production at sa loyal viewers ng Eat Bulaga! for nearly 44 years.

Nakakalungkot na hindi man lamang sila nakapagpaalam sa ere nang maayos kahit handang-handa silang lahat to do another live show. Na-witness ito ng live audience sa loob ng studio at kahit sila ay nabigla, sobrang nalungkot at naiyak sa pangyayari.

To many, napaka-improper para sa bagong pamunuan ng TAPE, Inc. na tratuhin nang ganoon ang iconic triumvirate nina Tito, Vic & Joey maging ang mga Dabarkads nakinabibilangan nina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon at iba pa maging ang bumubuo ng production mula sa director, writer/s, floor director, talent coordinator, technical staff at iba pa. Lahat sila ay talagang na-bulaga sa nagging desisyon ng new management ng TAPE, Inc.

Maging ang pamunuan ng GMA ay nabigla rin kaya agad sila nagpalabas ng official statement on same day.

“We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga. GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime time slot. Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution on their issues.

Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso.”

Ngayong taposna ang era ng iconic noontime program na “Eat Bulaga!” nina Tito, Vic & Joey, will this serve as just a beginning of a new chapter for the three maging ng kanilang mga kasamahan sa programa na inaasahang muling magre-resurface sa ibang TV network kasama ang dating president/CEO ng TAPE, Inc. na si G. Tony Tuviera maging ang bumubuo ng production group ng “Eat Bulaga!”?

May mga nagi-speculate din na posibleng lumipat ang grupo either sa TV5 o sa Net25 kung saan may individual programs ang TVJ.

In the meantime, sino kaya ang host or hosts ng bagong programa ng TAPE, Inc. bilang kapalit ng “Eat Bulaga” at mga host nito? May ilang buwan na ring nagsu-surface ang pangalan ni Willie Revillame na nag-resign na rin sa ALLTV bilang host-producer ng kanyang daily game show na “Wowowin”.

Pumayag naman kaya ang GMA dahil umalis sa kanila si Willy para lumipat sa ALLTV ng Advanced Media Broadcast System (AMBS) na pag-aari ng pamilya Villar?

In the next couple of days ay malalaman kung anong programa ang ipapalit ng TAPE, Inc. sa “Eat Bulaga!” at kung sinu-sino ang maghu-host sa bagong noontime show.

Ang GMA ay nagging tahanan ng “Eat Bulaga!” sa loob ng 28 na taon. Ma-duplicate kaya ito ng ipapalit na programa ng TAPE, Inc,?

In the meantime, nakamasid ang lahat (including the viewers) sa mga susunod pang kaganapan ng TVJ and the Dabarkads maging sa bagong programa na ipapalit sa longest-running noontime show on Philippine television, ang maybe throughout the world.

Samantala, may isa pang option ang TVJ, ang makipag-sosyo with Tony Tuviera for another show na silang apat mismo ang producers.

Why not?

Kim pinaka-abalang talent, daming ganap sa buhay

KimKim1MATAPOS ang ilang taon bilang brand ambassador ng Sisters Sanitary Napkins ng Megasoft Hygienic Productions, Inc. ng ex-PPB-4 Big Winner, cosplayer, singer-songwriter, actress at gamer na si Myrtle Sarrosa, ipinakilala naman ng kumpanya ang pinakabagong celebrity endorser ng kanilang produkto, ang ex-PBB 1st Teen Edition Big Winner-turned, singer, actress, dancer, vlogger at entrepreneur na si Kim Chiu (33).

Kim was launched as Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners’ new face na ginanap saLuxent Hotel in Quezon City nung nakaraang Miyerkules, May 31.

Tuwang-tuwa siyempre si Kim dahil bukod sa gamit niya ang produkto ay naging instant ate-atehan pa niya ang VP ng Megasoft Hygienic Products, Inc. na si Ms. Aileen Choi Go. Pareho silang may Chinese blood.

Kung maagang na-expose si Ms. Aileen sa pagiging isang negosyante, ito’y pinasok na rin ni Kim at kasama na rito ang pagi-invest into real estate at marami-rami narin ang kanyang properties kasama na ang bagong vacation house in Baguio City at building in Cagayan de Oro City at iba pang lugar.

Growing up, naranasan noon ni Kim as a young girl ang magpalipat-lipat ng tirahan at lugar tulad ng Cebu, Cagayan de Oro, Tacloban, Mindoro at iba pa kung saan naroon ang kanilang sponsor ng kanyang mga kapatid sa kanilang pag-aaral.

Nang magkaroon ng chance si Kim na maiba ang takbo ng kanilangbuhay, siya na mismo ang tumulong sa kanyang pamilya at mga kapatid at ditto rin siya namulat sa pag-iipon at pagbi-business.

Bukod sa kanyang bagong product endorsement, si Kim ay isa sa busiest among the talents ng Star Magic. Araw-araw itong napapanood sa noontime show na “It’s Showtime” bilang host, maging sa Sunday noontime musical variety show ng ABS-CBN, ang “ASAP Natin `To.”

May dalawa rin siyang bagong pelikula plus a new teleserye na pinamagatang “Linlang”.

Going strong din ang kanilang relasyon ng kanyang boyfriend na si Xian Lim na bukod sa pagiging actor ay isa ring singer, songwriter, writer, director at producer.

Si Xian ay nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency and has a network contract with GMA.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@aster_amoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE