Michelle

Michelle binuking ang nangyari sa backstage ng Miss Universe pageant

May 31, 2023 Aster Amoyo 220 views

NAGKUWENTO si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ng ilang eksena sa backstage kabilang ang kaba na naramdaman ng ilang kandidata sa Miss Universe Philippines 2023, lalo na nang magkaroon ng “technical difficulties,” at binawi ang anunsyo ng Top 10 finalists.

Ayon kay Michelle na “crazy” ang eksena sa backstage para sa mga kandidata bago magsimula ang paligsahan.

“There were production people screaming like five minutes to go, the girls were still dressing up, going back and forth from the glam room to the dressing room, to the standby area. And I was just like, ‘cause one of the things that, for lack of a better term, sabotaged my performance last year, is I let that chaos get to my head. But this year, I was like, I am not gonna be fazed, I am aware of the time, I am aware what time the show starts, so I’m just gonna remain composed, not let anything affect my energy right now. I was just as calm as a feather,” sabi pa niya.

Pagka-anunsyo sa Top 10, nagkaroon ng “technical difficulties” kaya ibinalik ang Top 18.

“Well, I can’t speak on behalf of the other girls. A lot of the girls had mixed emotions. Siyempre the girls that didn’t make the Top 10 were relieved, ‘Okay this is another chance.’ Girls that did make the Top 10, ‘Oh my gosh! Ano na ang mangyayari?,’” saad niya.

Sa kabila ng nangyari, nanatiling kalmado si Michelle at nagdasal.

“On my end, like I said earlier, I was as calm as a feather. I wouldn’t let any of these technical difficulties affect me. I was in my own corner, I was just, for some reason, it was like divine intervention somehow. Because before the show, I prayed,” anang beauty queen. “I was like ‘Lord, I know that you made me go through all of this, for this moment. Please give me the strength and the calmness to just consume the energy of the arena and make the most of this night.”

Sa halip na muling ianunsyo ang Top 10, dumiretso na sa pag-anunsyo ng Top 5, at si Michelle ang huling tinawag.

“Of course I was so confident with myself that I knew that it had to be me. And then I was having this mental debate. Because I looked to my left and I was like ‘Oh my gosh, there’s so many strong contenders to my left. There’s so many strong contenders to my right. Anything could happen. I never discredited the girls because they were so amazing.

“I just prayed once again. I think I was closing my eyes for most of the part. Just like praying and hoping that destiny aligned with me and was with me. And then they called Makati and I was just … Makakahinga. On to the next round,” kuwento ni Michelle.

Pagkatapos manalo, hindi pa rin daw masyadong nagsi-sink in kay Michelle ang mga mabibilis na pangyayari sa buhay niya.

“I am over the moon! It still feels surreal because right after coronation night we started media week right away. So I still haven’t gotten the time to sit still and just accept everything that’s happening. I’m still like on the move 24/7 but I can’t believe I pulled it off, I can’t believe I am wearing the Philippine crown again.”

Sofia napahiga sa sahig dahil sa cellphone raid

ISA sa bagong segment sa “The Boobay and Tekla Show” ang “phone raid” kung saan babasahin ang text messages sa cellphone ng guest sa show. Si Sofia Pablo, tila hindi ito kinaya nang mapiling basahin ang text na ayaw sana niyang mapili.

Sa nakaraang episode ng “TBATS,” kasama ni Sofia na naging bisita sa show ang kaniyang ka-love team na si Allen Ansay o Team Jolly.

Sa phone raid segment, hahalungkatin ang text messages sa kanilang cellphone batay sa ramdom number na babanggitin ng production staff. Unang isinabak ang cellphone ni Allen, na ang lumabas na text sa binanggit na number ay nagsasaad na: “Ok Po.”

Ayon kay Allen, text iyon sa isang delivey. Sa isa pang text message sa phone ni Allen, “Sino po?.” naman ang nakalagay na galing pala mismo kay Sofia.

Nang isalang na ang cellphone ni Sofia, lumabas sa napiling numero ang text message ng kanyang daddy na nagtatanong ng, “Work for what?”

Ipinaliwanag ng young Kapuso star na kakauwi pa lang niya noon galing sa Singapore at may gagawin pa siyang trabaho.

Sa kalagitnaan ng paghahanda sa muling pagsilip sa kanyang cellphone, binasa ni Sofia ang text messages sa phone niya, at natatawa niyang sinabi na huwag sanang mapili ang number 8.

Pero nang banggitin ng staff ang numero, pinili nila ang number 8 kaya napahiga si Sofia sa sahig na walang tigil sa pagtawa.

Slater umamin sa pagkakamali

NAG-APOLOGIZE si Slater Young sa naging komento niya sa isang podcast episode nila ng asawang Kryz Uy, na normal sa mga lalaking may sabit na magpantasya sa ibang babae.

Sa naturang podcast episode ng Skypodcast na inalis na, nagbigay ng payo sina Slater at Kryz, sa isang letter sender na nayayamot na sa kanyang nobyo na nagpapantasya pa umano sa ibang babae,

“My boyfriend is fantasizing about other women, is that bad or am I crazy?” tanong ng letter sender sa celebrity couple.

“After all the trust issues about him fantasizing other women, sometimes up to this day, I still get mad thinking I’m never gonna be good enough for him,” dagdag pa ng letter sender.

Nagbigay naman ng kanilang pananaw ang podcaster couple sa naturang isyu. Ayon kay Slater, “the guy is being absolutely honest.” Paliwanag ni Slater, normal sa mga lalaki ang pag-usapan ang ibang babae.

“‘Yung mga group na nagse-send ng mga photo of girls and like fantasizing over it, it’s normal. S’yempre ikaw, as part of that group, sakyan mo lang. Wala naman, hindi mo naman gusto talaga,” saad niya.

Pinayuhan din ng mag-asawa ang letter sender na huwag nang palakihin ang isyu kung wala namang ginawang mali ang kanyang nobyo. Kung pagbabatayan ang sulat, hindi naman direktang nagtataksil ang nobyo sa babae.

“I think you should use that time and energy instead to maybe, not the right word to say, but make yourself more attractive in that sense. Use that time and effort for yourself,” payo ni Kryz.

Inalmahan ng ilang netizen ang komento ng mag-asawa. May nag-akusa pa kay Slater na enabling misogyny, habang pinuna naman ang pagkukunsinti umano ni Kryz sa kanyang mister.

“Triggering” naman ang tawag ng iba sa naturang podcast episode at “red flag” umano si Slater.

Kasunod nito, humingi ng paumanhin si Slater at inako ang pagkakamali sa kanyang sinabi: “Sometimes you think that you did something OK and it takes a little while for it to sink in na, ‘Oo nga no, mali pala talaga ako. Kasi s’yempre ‘pag merong mga comments and merong mga reactions na parang ina-attack ka your first instinct is to be defensive. And I finally realized na, ‘Oh my God, I really made a mistake,’ because I’m giving it power na, to say it’s OK, and me saying it’s normal, kind of normalizes it and makes it OK. The last thing in my mind and my heart would be to objectify women.”

AUTHOR PROFILE