Yilmaz1

Mga anak ni Ruffa nakabalik na sa Pilipinas

June 24, 2022 Aster Amoyo 484 views

Yilmaz

NAKABALIK na sa bansa ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez sa kanyang ex-husband, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas na sina Lorin at Venice Bektas matapos ang kanilang almost two-week reunion with their father after 15 years of separation. Bumalik ang magkapatid in time sa kaarawan ni Ruffa (June 24).

Tulad ng kanilang pagsalubong sa Istanbul Airport, ang mag-ama ring Yilmaz at anak na si Ilknaz Lauren Bektas rin ang naghatid kina Lorin at Venice sa airport pabalik ng Pilipinas.

“You are my favorite hello, but my hardest goodbye,” post ni Ilknaz sa kanyang Instagram account sa larawan na magkakayakap silang apat ng kanilang amang si Yilmaz.

Walang alinlangan na nagkaroon ang instant bonding ang magkakapatid na Ilknaz, Lorin at Venice at sa kanilang amang si Yilmaz na walang sinayang na araw at oras habang magkakasama sa loob ng 12 araw .

Hindi lamang na-renew ang kanilang ties sa kanilang ama at half-sister kundi maging sa iba nilang mga kaanak (sa father side) pagkatapos ng 15 taon silang hindi nagkita-kita.

Tiyak na maraming kuwento ang magkapatid na Lorin at Venice sa kanilang inang si Ruffa sa naging experience nila sa Istanbul with their dad and elder half-sister na si Ilknaz.

Dahil sa recent visit nina Lorin at Venice sa Istanbul, tiyak na magiging constant na ang communication nila with their dad and Ilknaz at iba pa nilang relatives in Istanbul. Hindi rin kami magtataka kung muling bibisita sa Pilipinas ang mag-amang Yilmaz and Ilknaz para bisitahin naman sina Lorin at Venice.

Samantala, kung speaking terms na ang dating mag-asawang Ruffa atYilmaz, ipinagmalaki rin ng ina ni Ruffa si Anabelle Rama na nag-uusap na rin umano sila ng kanyang dating manugang na si Yilmaz kaya wala na umanong problema sa kanilang pagitan. Ito na rin marahil ang senyales na malaya nang mabibisita ng Turkish businessman ang kanyang dalawang anak sa Pilipinas.

MaidMaid1

Direy Darryl nagbabalik sa ‘Maid in Malacanang’

MAY ilang buwan ding nagpahinga sa paggawa ng sunud-sunod na pelikula ang controversial writer-director na si Darryl Yap dahil naging abala ito sa pagsuporta sa kandidatura ni President-elect Bongbong Marcos. Pero ngayon, tinatapos naman niya ang kanyang first major movie under Viva Films, ang “Maid in Malacanang” na siya rin ang sumulat ng script.

Ang “Maid in Malacanang” ay tinatampukan nina Ruffa Gutierrez (as Imelda Marcos), Cesar Montano (as Ferdinand Marcos, Sr.), Cristine Reyes (as Imee Marcos), Diego Loyzaga (as Bongbong Marcos) and Ella Cruz (as Irene Marcos).

Kasama rin sa movie sina Elizabeth Oropesa (Lucy), Karla Estrada (Santa) at Beverly Salviejo (Biday) among others..

Ang “Maid In Malacanang” ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan next month (July) at nakatakdang magkaroon ng grand premiere night na inaasahang dadaluhan ng First Family, former First Lady Imelda Marcos, Sen. Imee Marcos, Irene Marcos-Araneta at ang bumubuo ng cast ng pelikula at iba pang VIPs.

Joint ventures among Viva, GMA at ABS-CBN posible na

IN my recent conversation with Viva’s big boss, Vic del Rosario, Jr., he shared to us that Viva will not only be co-producing movies with GMA but Viva will also produce TV series for GMA.

Mauurong na umano sa buwan ng January 2023 ang unang tambalan sapelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards na parehong busy ngayon sa kanilang unang team-up sa isang teleserye sa Kapuso network.

Kung sa bakuran ng Viva unang nangyari ang first team-up in a movie ng dating magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa pamamagitan ng pelikulang “Dulo,” at ng mag-partner na McCoy de Leon at Elisse Joson sa movie na “Habangbuhay,” sa bakuran din ng Viva mangyayari ang balik-tambalan sa pelikula ng magkasintahang Xian Lim at Kim Chiu sa pamamagitan ng “Always”.

Sina Diego, McCoy at Xian ay dating contract stars ng Star Magic ng ABS-CBN pero sila’y nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) habang nananatili naman sa poder ng Star Magic sina Barbie, Elisse at Kim.

Dahil sa pandemic at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, malamang na maging lenient na ang Kapamila network sa pagpapahiram ng kanilang mga contract stars and talent hindi lamang sa GMA at TV5 kundi maging sa Viva at sa ibang independent film producers.

Kung ipapalabas na sa Kapuso network ang mga pelikulang gawa ng Star Cinema ng ABS-CBN, hindi rin malayong maghiraman sila ng talents or mag-venture into co-production ng pelikula.

Dahil sa sitwasyon ng industriya ngayon, kailangan talagang magtulungan ang iba’t ibang TV networks maging ang mga film producers na iilan na lamang ang natitira.

Rabiya at Jeric wala pang kumpirmasyon sa break-up

NAPAKA-SHORT-LIVED naman ng naging relasyon ng (dating) magkasintahang Kapuso actors, ang 2020 Miss Universe Philippines-turned Kapuso actress na si Rabiya Mateo (25) at ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

It was only last March nang maging open ang dalawa sa kanilang relasyon and flooding their respective Instagram accounts with their sweet photos together. Pero ngayon ay tinanggal na nila pareho ang mga litrato na magkasama silang dalawa at hindi na rin nila pina-follow ang isa’t isa, isang indikasyon na tinapos na nila ang kanilang relasyon. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon na nagmumula sa dalawa.

Kung ang (dating) mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez (na pareho ring Kapuso actors) ay agad nagkahiwalay after barely three months matapos silang ikasal, mukhang sina Rabiya at Jeric ang pinakamaiksi ang relasyon bilang magkasintahan.

What went wrong?

Gladys

Judy Ann hindi nakadalo sa birthday party ni Gladys

DAHIL sa pandemic, dalawang taong hindi nakapag-celebrate ng kanyang kaarawan ang singer, actress, TV host at entrepreneur na si Gladys Reyes.

Last Thursday night, June 23, Gladys hosted a party for her 45 th birthday na ginanap sa Theodore Events Place in Marikina City na dinaluhan ng kanyang mga mahal sa buhay, malalapit na kaibigan including her showbiz friends na sina Carmi Martin at Angelu de Leon. Namataan din namin doon sina Wowie Guzman, Ogie Diaz, ang mag-asawang Doc Rob and Patricia Javier, Archie Alemania, Jenny Miller at iba. Hindi naman nakarating ang isa sa besties niyang Judy Ann Santos dahil nasa lock-in taping umano ito ng morning show na “Magandang Buhay” kung saan siya nagpi-pinch hit bilang isa sa mga hosts along with Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Nagkaroon ng mini-concert si Gladys na inaming sobra umano niyang na-miss ang kumanta at mag-perform, had a duet with husband actor Christopher Roxas. Nagpaunlak din ng ilang numbers ang kanilang panganay na anak na si Christophe (16) na artistahin din ang dating.

Speaking of Gladys, watch my exclusive interview with her on “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Subscribe, like, share and hit the bell icon. Follow me on Instagram and Facebook@aster_amoyo and Twitter @aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE