Aiai

Ai-Ai, emosyonal sa pagkawala ng adoptive mother

June 24, 2022 Jun Nardo 133 views

PUMANAW na ang adoptive mother ni Ai-Ai de las Alas na si Justa de las Alas last June 22 sa edad na 93.

Emosyonal ang post ni Ai-Ai sa kanyang Instagram na namamaalam sa namatay na ina kalakip ang isang video sa 90th birthay celebration nito.

“Mami-miss kita Mama, Mommy, Mother Gose, Mudrakels, and originally, Inay,” caption ni Ai-Ai.

Dagdag pa ng Comedy Quen, sa July 19 ay 94 na sana ang ina at nagpasalamat siya sa pag-aalaga at pagpapaaral nito sa kanya.

Bahagi pa ng caption niya, “Rest ka na mama, kamusta mo ako kay Lord and Mama Mary.”

Kapatid ng kanyang biological mother si Justa na siyang nagpalaki, nagpaaral at sumuporta kay Ai-Ai.

Kababalik lang sa Amerika ng Comedy Queen matapos ang taping niya sa ongoing Kapuso series niyang Raising Mamay.

JUDGMENT DAY

JUDGMENT day ngayon nina Kelvin Miranda, Abdul Rahman at Shaun Salvador dahil mamaya na ang premiere ng sitcom nilang Tols sa GMA News TV.

Aminadong hirap si Kelvin sa comedy lalo na’t sa drama siya unang sumabak sa GMA series.

Eh, dahil lalabas na nanay nila si Rufa Mae Quinto na bihasa na sa pagpapatawa, inalalayan naman silang tatlo sa mga eksena nila.

Ito ang unang sitcom sa GMA News TV at inspired ito sa dating sitcom na Palibahasa Lalake nina Richard Gomez at Joey Marquez.

AUTHOR PROFILE