Mccoy

McCoy may message sa anak nila ni Elisse

January 6, 2023 Aster Amoyo 424 views

Mccoy

TOTOO na ang hiwalayan ang (dating) mag-partner na sina McCoy de Leon at Elisse Joson na unang nagkalapit sa isa’t isa sa loob ng Bahay ni Kuya in 2016. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon nila ng anak, ang more than one-year-old na si Felize McKinzie.

Naging magkasintahan sina McCoy at Elisse nang sila’y lumabas ng PBB house matapos silang kapwa pumasok sa showbiz. But in 2018 ay nag-break ang dalawa na tumagal din ng almost two years only to reconcile in 2020.

Pero hindi na hinintay ng dalawa na magtapos ang taong 2022 nang sila’y muling magkani-kanya ng landas. Elisse took with her their daughter na si Felize na mukhang hindi pa rin muling nakikita ni McCoy after their separation.

Last December 19, nag-post si McCoy ng picture nila ni Felize sa kanyang Instagram account na may caption na “Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.”

The un-couple spent Christmas and New Year na magkahiwalay. Sa Okada Manila nag-spend ng Pasko ang mag-inang Elisse at Felize. Although broken ang puso ngayon ng Viva young actor, Masaya ito sa naging turn-out ng kanilang Metro Manila Film Festival movie na “Deleter” kung saan niya kasama sina Nadine Lustre, Louise de los Reyes at Jeffrey Hidalgo mula sa direksyon ni Mikhail Red. Ang nasabing pelikula ay humakot ng pitong major awards sa MMFF na kinabibilangan ng Best Picture, Best Director (Mikhail Red) at Best Actress (Nadine Lustre).

Umaasa ang young actor na magpapatuloy ang kanyang pagiging busy ngayong 2023.

CarloCarlo1Carlo2

Romansang Carlo-Charlie totohanan na

SAMANTALA, mukhang totohanan naman ang relasyon nina Carlo Aquino at Charlie Dizon na namataang magkasama sa La Union kamakailan lamang.

Sina Carlo (37) at Charlie (26) ay nagkalapit sa isa’t isa sa set ng kanilang first movie together, ang “Love On A Budget” under Black Sheep Productions.

Si Carlo ay hiwalay na sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza kung kanino siya may two-year-old daughter na si Enola Mithi Aquino.

Vhong babalik na sa ‘It’s Showtime’

WALA na sigurong kasing saya ang dancer-turned actor-comedian at TV host na si VhongNavarro dahil nakapiling niya ang mga mahal sa buhay nung nakaraang Pasko at Bagong Taon maging sa kanyang 46th birthday last January 4.

Vhong is out on bail sa binuhay na kaso na may kinalaman sa kanyang 2014 case na isinampa labansa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

Mahigit dalawang buwan ding nakulong si Vhong sa detention cell ng NBI mula September 19, 2022 hanggang sa siya’y malipat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) in Camp Bagong Diwa in Taguig nung November, 2022 at pinayagan naman siyang mag-piyansa nung December 6, 2022.

Anyday this month ay inaasahang babalik na rin si Vhong sa kanyang hosting job sa noontime program na “It’s Showtime.”

Family

Pelikulang walang box office stars tinalo ang pelikula ni Coco

INISNAB man ng mga hurado ng magtatapos ngayong 48th Metro Manila Film Festival, ang family drama movie na “Family Matters” ay humataw naman ito sa takilya. Ang pelikulang ito ay dinirek ni Nuel Naval mula sa panulat ni Mel del Rosario (na siyang tandem ng local adaptation ng Korean movie na “Miracle in Cell No. 7” ng Viva Films na siyang nanguna sa takilya sa 2019 MMFF.

Nagpapasalamat ang pamunuan ng Cineko Productions dahil ang nasabing pelikula ang pumapangatlo sa takilya (una ang ‘Deleter’ ni Nadine Lustre at pumangalawa ang ‘Partners in Crime’ nina Vice Ganda at Ivana Alawi) at na-dislodge pa nito ang unang tambalan sa pelikula nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria, ang “Labyu with an Accent” at No. 4.

Walang malaking star box office wise ang “Family Matters” na pinangunahan ng mga seasoned actors na sina Noel Trinidad at Liza Lorena kasama sina Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, JC Santos, Nikki Valdez, Ina Feleo at Ian Pangilinan. Pero dahil sa magandang istorya, mahusay na pagkakadirek ni DirekNuel at magaling na performance ng buong cast, lumutang ang ganda ng pelikula. Underdog na maituturing ang “Family Matters” – walang major star, walang gaanong ingay ang pelikula before the start of the festival at hindi rin maihahanay sa major producers ang Cineko Productions. Dahil dito, tiyak na may follow-up project ang kumpanya ngayong 2023.

ChristineChristineChristine

Christine pambungad ng Vivamax sa 2023

SA rami ng kontrobersiyang kinaharap ng tinaguriangVivamax Queen na si AJ Rava lnung isangtaon, tiyak na maraming repairs ang kailangan nitong gawin para muling makabawi sa taong ito lalupa’t marami sa kanyang mga kasamahan sa Viva ang naka-abang sa kanyang trono. Close no. 2 kay AJ ang Fil-Korean na si Angeli Khang at pumapangatlo naman si Christine Bermas na nakagawa ng pitong sexy movies nung 2022. Ang mga ito ay ang “Siklo,” “Sisid,” “Relyebo,” “Moonlight Butterfly,” “Island of Desire,” “Lampas Langit” at ang “Scorpio Nights 3” which was first offered to AJ pero ito’y tinanggihan umano ng anak ng dating action star na si JericRaval.

Sa pagsisimula ng taon, may bagong movie kaagad si Christine, ang sexy-action-drama movie na “Night Bird” kung saan din kasama sa cast sina Mark Anthony Fernandez, Sid Lucero, Aaron Villaflor, Felix Roco, Chloe Jenna, Alexa Ocampo, at Ali Khatibi. Ito’y mula sa direksiyon ni Lawrence Fajardo at nakatakdang ipalabas ngayong Janaury 13, 2023. Ito ang pang-buena mano ng Vivamax sa taong 2023.

Joint venture ng GMA at Viva wala pang update

ANO na kaya ang nangyari sa pina-planong joint venture ng GMA and Viva?

Two years ago, it was announced na iku-co-produce ng GMA Pictures at Viva Films ang unang tambalan sa pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards na pamamahalaan ni Nuel Naval. Pero lumipas ang dalawang taon at hindi ito natuloy. Ang natuloy ay ang tambalan nina Bea at Alden sa local adaptation ng K-drama na “Start-Up” na hindi naman tumagal sa ere.

Napabalitarin na iku-co-produce ng GMA at Viva ang TV adaptation ng 1987 movie na “Saan Nagtatago ang Pag-ibig” na unang pinagbidahan nina Vilma Santos, Tonton Gutierrez, Cherie Gil, Gloria Romero, Alicia Vergel, Alicia Alonzo at iba pa na dinirek ng yumaong actor-director nasi Eddie Garcia. Pero wala pa ring update hinggil dito.

Bukas ang Viva sa pagpapahiram ng kanilang talents sa iba’tibang TV network tulad ng ABS-CBN, GMA, TV5 maging ang Net25.

Ang Viva singer, actor at director na si Xian Lim ay nakagawa na ng TV series sa GMA ay may naka-pending pa itong project na pagsasamahan dapat nila ni Jennylyn Mercado.

Bumalik na rin sa GMA ang singer, actor at TV host na si Billy Crawford bilang host ng local adaptation ng “The Wall – Philippines” na ang franchise ay nakuha ng Viva. Viva artist din si Billy.

Nang tanungin namin si Boss Vic hinggil ditto, wala pa umanong update ang nasabing mga proyekto at hindi na ito nagbigay sa amin ng anumang detalye.

Sa ngayon ay naka-focus ang Viva sa launching ng kanilang bagong streaming app, ang Viva Prime ngayong January 29, 2023 na ang palabas ay iba sa Vivamax na identified na sa mga sexy and adult movies.

Ang unang pelikulang ipapalabas sa Viva Prime ay ang 2022 hit movie na “Maid in Malacanang” mula sa panulat at direksyon ng controversial writer-director nasi Darryl Yap.

xxxxxxxxxx

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE