Lizquen

Fans, tunaw sa pagbati ni Quen kay Liza

January 5, 2023 Ian F. Fariñas 258 views

NABUHAYAN ang LizQuen fans sa matamis na pagbati ni Enrique Gil kay Liza Soberano na nag-celebrate ng 25th birthday nito lamang Miyerkules.

Sa social media greeting ni Enrique, tinawag niyang best friend at baby si Liza na matagal na ring nasa Amerika para sa pangarap na international career.

Common knowledge na ang Careless management team nang itinayo ni James Reid ang nagha-handle ng career ng dating Kapamilya star.

Kaya naman may mga panahon na matagal-tagal silang hindi nagkakasama ni Enrique.

Anyway, nilalanggam sa ka-sweet-an ang mga litratong ipinost ni Enrique sa Instagram bilang pagbati sa GF.

Anang aktor sa caption, “We might be worlds apart, but you’ve never been closer to my heart. To the most beautiful soul in the world. To my best friend and baby (sabay lagay ng heart emoji) i love you so much. Happy birthday!!”

Hindi lang netizens ang todo kilig kundi maging celebrity friends ng showbiz pair gaya nina Joross Gamboa, Arci Muñoz, atbp.

AUTHOR PROFILE