Sarah

Spotify at Apple Music, giba sa bagong singles ni Sarah

January 5, 2023 Ian F. Fariñas 322 views

ANG bongga ng pasok ng 2023 kay Sarah Geronimo dahil sa sunud-sunod na tagumpay ng kanyang latest singles sa iba’t ibang streaming platforms mula sa Viva at G Records.

Bukod sa kabi-kabilang dance challenge para sa kanyang Dati-Dati ay pinangalanan din ang Popstar Royalty bilang isa sa 100 top artists ng Pilipinas sa Spotify charts.

Ang sumunod na paandar ni Sarah sa Dati-Dati ay ang Cuore na mainit ding tinanggap ng publiko nang mag-guest siya sa ASAP Natin ‘To kamakailan.

Ang Cuore ay isang Italian word na ang ibig sabihin ay “heart.” Isinulat ito nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana katulong ang biyenang lalaki ni Sarah na aniya ay naging consultant nila sa Italian lyrics.

Maliban sa Dati-Dati at Cuore, patok din ang bago niyang single release na Sansinukob, Salamat na kasalukuyang nasa #1 spot sa Apple Music Absolute OPM Playlist.

AUTHOR PROFILE