Kimxi

Kim, kinainggitan sa appreciation post ni Xian

January 5, 2023 Vinia Vivar 1410 views

Napaiyak si Kim Chiu sa appreciation post sa kanya ng boyfriend na si Xian Lim.

Sa kanyang Instagram page ay nag-post si Xian ng reel na nagpapakita ng videos and sweet photos nila ni Kim sa Paris kung saan sila nagbakasyon nitong nakaraang holidays.

Sa caption ay sinabi ng aktor na sobrang nag-enjoy siya sa bawat segundong kasama niya si Kim.

“Before this trip ends, huge shout out to my love, travel partner, bestfriend at lahat lahat na @chinitaprincess. This trip was a blast and I had a wonderful time spending every second with you…,” simula ni Xian.

Ayon kay Xian, kahit ilang taon na sila, may bago pa rin silang nadi-discover sa isa’t isa.

“Times may get rough and we may get lost along our journey but it’s finding our way together that matters most. It’s pretty cool how after so many years, we still learn and discover new things about each other,” aniya.

“To visiting more countries and to traveling the world with you,” pagtatapos ng aktor.

Sobrang na-touch si Kim sa mga ipinahayag ng boyfriend at inaming napaiyak siya.

“Too sweet! kaya pala ayaw ko pakita habang inedit mo. I cried!” sagot ni Kim sa comment section.

Pati ang mga netizen ay kinilig at nag-comment ng “sana all” ay ganyan ka-sweet ang boyfriend.

In fairness, shout out din naman kay Xian na talagang consistent sa pagka-sweet kay Kim.

Ang iba kasi, kapag nagtatagal na ay nawala na ang sweetness at hindi na bet ang mga ganyang linyahan.

Pero si Xian, up to now, ganyan pa rin siya at mas nagiging sweet pa nga, actually, habang nagtatagal sila ni Kim.

 

ArronARRON, SUMABAK NA SA MAPANGAHAS NA MGA EKSENA

Happy si Arron Villaflor na mula nang lumipat sa Viva Artists Agency (VAA) last year, dalawang proyekto na agad ang natapos niya.

Una siyang napanood sa Vivamax series na ‘Wag Mong Agawin Ang Akin last year.

Ngayon, kasisimula pa lang ng taon pero may pelikula na agad siyang mapapanood sa Vivamax, ang Nightbird with Christine Bermas, Sid Lucero and Mark Anthony Fernandez.

In both projects, sumabak na talaga si Arron sa mga intense love scenes at mapapangahas na eksena.

Sa digital media conference ng Nightbird ay natanong ang aktor kung may pagsisisi ba sa kanyang desisyon na gumawa ng mga sexy roles.

“I have no regrets. Actually, naging medyo challenge sa akin ‘yung decision making. Kasi, sabi ko nga, ‘kelan ko pa gagawin ‘yun, kapag 40 na ako?’ (sabay tawa).

“So, I guess it’s the right age and the right time, and the right agency. Sobrang ang tagal ko ring pinagplanuhan,” sabi ni Arron.

Inamin ng aktor na-depress din siya dahil nga nag-alala siya sa kanyang career.

“To be honest with you, na-depress din ako for two months thinking about my career,” aniya.

Dahil daw kasi sa pandemic ay parang natigil na ang lahat at nawalan siya ng trabaho.

“I’m looking for a way na ‘yung transition na from young character to this. ‘Yun ang pinaghandaan ako. And I’m enjoying now,” aniya.

Sa Nightbird ay first time niyang makatrabaho sina Christine, Mark Anthony and the rest of the cast except for Felix Roco na nakasama na niya before.

Asked kung gaano siya ka-daring sa pelikulang ito, ayon sa aktor, “Sagad-sagad!”

Ang Nightbird ay isang sexy-thriller mula sa direksyon ni Law Fajardo.

Mapapanood ito simula January 13 sa Vivamax.

Kasama rin sa movie sina Chloe Jenna, Alexa Ocampo at Ali Khatibi.

AUTHOR PROFILE