Venus

Matagumpay na entrepreneur, pinarangalan bilang Modern-day Renaissance Woman

January 5, 2023 Ian F. Fariñas 1494 views

HINDI man pinalad na manalo ang kanyang IpaTupad Partylist noong nakaraang eleksiyon, hindi ito naging dahilan para itigil ni Venus Emperado Apas ang kanyang advocacy na makatulong sa marami nating kababayan na kapos at salat sa kanilang pamumuhay.

Kamakailan lamang ay pinarangalan si Venus bilang Modern-Day Renaissance Woman in Business Management and Leadership ng Netizen’s Best Choice Awards na ginanap sa Okada Grand Ballroom.

Kasama niyang pinarangalan ang kanyang anak na si Roven Zeil Apas at kapatid na si Gielito Emperado na siya namang namamahala ng kanilang family-owned business na IC Construction, Inc.

Isang successful entrepreneur si Venus at siya rin ay isang government policy and program consultant.

Mula sa kanyang successful stint as a businesswoman sa Singapore ay bumalik siya ng Pilipinas para dito magtayo ng negosyo at gamitin ang kanyang
natapos sa Nanyang Technological University sa Singapore.

Sa tagal ng kanyang pagiging consultant sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay namulat ang mga mata ni Venus sa samu’t saring problema na kinahaharap ng ating bansa.

Nais niyang maibahagi ang kanyang tagumpay sa ating mga kababayan, lalo na ang mga OFW na malapit sa kanyang puso.

Marami pa tayong aasahang maganda mula kay Venus at sa kanyang IpaTupad Partylist, may eleksiyon man o wala, mananatili siyang tapat sa layuning makatulong sa mga nangangailangan nang walang bahid o kapalit na hinihingi.

AUTHOR PROFILE