Default Thumbnail

MC rider dedo sa asong tumawid

March 27, 2024 Jojo C. Magsombol 70 views

DEDO noong Martes ang isang miyembro ng Philippine Air Force na sakay ng kanyang motorsiklo nang aksidenteng masagasaan ng isang truck sa Purok 2, Barangay Talaga, Tanauan City, Batangas.

Ang nasawi, ayon sa Tanauan City police, ay 37-anyos, may asawa, PAF, with AFPSN 870517, nakadestino sa 15SW, at residente ng Brgy. Tambo, Lipa City.

Bandang 1:50 a.m. noong Marso 26, 2024, isang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang natanggap ng Tanauan City Police at ine-reportl ang nabanggit na insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang Honda Click na may plakang 623NQC na minamaneho ng nasawi ay nauuna na halos kasunod ang isang Isuzu NPR truck na may plakang ABT1809 na minamaneho ng isang 42-anyos, may asawa, fish dealer, ng Brgy. Bagumbayan, Taguig NCR ay kapwa tumatakbo alas-12:38 ng umaga ng Marso 26, 2024 sa nasabing kalsada na parehong patungo sa Brgy. Santor, Tanauan City, Batangas.

Pagdating sa lugar ng insidente, isang ligaw na aso ang biglang tumawid sa kalye at nawalan kontrol sa manibela ang sundalo at humagis sa kanang bahagi ng kalye nang aksidenteng masagasaan ng truck.

Mabilis na isinugod sa Laurel District Hospital ang sundalo ngunit idineklara itong dead on arrival ng sumuring mangagamot.

AUTHOR PROFILE