Default Thumbnail

Mayor Ynares nagpasalamat sa muling pagkahalal

May 19, 2022 People's Tonight 295 views

MULING inihalal ng mga taga-Antipolo bilang Alkalde si Casimiro “Jun” Ynares III sa katatapos lang na halalan.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec)-Antipolo, Rizal, dinomina ni Mayor-elect Ynares ang botohan kung saan nakatanggap siya ng 254,286 na boto.

Maituturing itong pinakamataas na naitala sa kasaysayan para sa naturang posisyon.

Patunay lang na mahal at kinikilala ng mga taga-Antipolo ang kahusayan sa pamamalakad ni Ynares dahil na rin sa ipinakitang serbisyo publiko, kung saan hindi pinabayaan ang mga residente lalo na noong panahon ng pandemiya.

Gayundin ang pagkamit ng iba’t-ibang pagkilala at parangal kabilang na ang pagiging Overall Most Competitive Component City sa bansa at Seal of Good Local Governance.

Nagpasalamat naman si Ynares sa muling pagtitiwala sa kanyang panunungkulan.

“Panibagong blessing. Panibagong mandato. Panibagong pagkakataon na maglingkod po sa inyo, sa ating Lungsod, at syempre, kay Lord. ‘Yan po ang ibinigay ninyo sa akin…. sa amin,” sinabi ni Mayor-elect Ynares sa kanyang social media page na Jun-Andeng Ynares.

“Ilang hiling pa po sana kung hindi kalabisan. Ipagpatuloy po natin ang pagtutulungan. Lalo nating pagtibayin ang pagkakaisa. Tiyakin natin ang patuloy na pag-angat at pag-abante ng mahal nating Antipolo, Rizal,” sinabi ni Mayor-elect Ynares.

AUTHOR PROFILE