Default Thumbnail

Mayor Honey, VM Yul sinalubong Chinese New Year sa Jones Bridge

January 22, 2023 Edd Reyes 224 views

Mayor Honey, VM Yul sinalubong Chinese New Year sa Jones Bridge nina Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan at Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang pagdalo sa isinagawang Pyromusical Fireworks exhibition bilang pagsalubong sa selebrasyon ng 2023 Chinese New Year Sabado ng gabi sa Jones Bridge.

Kabilang din sa mga sumaksi sa fireworks display sina Ambassador Huang Xilian ng People’s Republic of China, Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz, mga natatanging organisasyon ng mga Tsinoy na pinangunahan ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII), Chief Presidential Protocol Secretary Adelio Cruz, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at daan-daang katao na nagtungo sa Jones Bridge.

Sa kanyang pagsasalita bago ganapin ang countdown, binanggit ng alkalde na ang Jones Bridge, kung saan sila nagtitipon-tipon upang salubungin ang panibagong taon ng Year of the Watter Rabbit at manood ng espesyal na pyromusical fireworks, ang siyang nagsisilbing daan patungong Binondo na itinuturing na kauna-unahan at pinakamatandang Chinatown sa buong mundo na naitatag noon pang ika-16 na siglo.

Aniya, pinili nila ang Binondo-Intramuros Bridge, para sa espesyal na fireworks exhibition dahil ito’y magkatuwang na naitayo ng Pambansang Pamahalaan ng Pilipinas at ng People’s Republic of China bilang palatandaan sa napakatagal ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

“The entire Filipino-Chinese community observed this very important event to let go of all the negatives and outdated from the outgoing year and embracing all positives and fresh attracting prosperity and peace among families to the incoming year. This is also an opportunity for all our “kababayans” to enjoy the festivities for the lunar year celebration, being one of the many Chinese influences that we Filipinos had adopted through the year,” pahayag ni Mayor Lacuna-Pangan sa kanyang pagsasalita.

Sinabi pa ng alkalde na ang makasaysayang kaganapan ay sumasalamin sa pagkakaiba at lakas ng Filipino-Chinese Community at sa kanilang naging kontribusyon sa mamamayan ng Lungsod ng Maynila.

Idinugtong pa niya na ito rin ang nagpapagunita sa mga nagpasiyang magtungo at permanente ng manirahan sa Maynila, hindi lamang mula sa mga lalawiga, kundi maging sa iba pang panig ng mundo kung paano sila nakapag-ambag, hindi lamang sa mayamang kultura at tradisyon, kundi pati na rin sa pagiging matiyaga makibahagi sa bagong pag-asa para matulngan ang Maynila na umangat sa matagal na panahon.

“Our shared heritage spans from immigrants to native Manilenos like the Filipino-Chinese. Their hard work and perseverance had contributed to the city as family, business owners. students, educators and workers from all field,” pahayag ng alkalde.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, binigyang daan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga kaibigang Filipino-Chinese sa ginawa nilang pagpili sa Maynila bilang kanilang tirahan at lugar na paglalagakan ng negosyo.

Pinasalamatan din ng alkalde ang walang humpay na pagsusumikap na pagkalooban ng tulong at pagbabahagi ng kagandahang-loob sa Lungsod ng Maynila sa napakaraming pagkakataon.

“To Ambassador Huang Xilian and Ambassador FlorCruz, kindly extend our warm greetings to the people of Beijing and the entire People’s Republic of China as we welcome the Year of the Water Rabbit. We hope that all of us can pursue opportunity and success. We wish you and your love one’s happiness, prosperity, good health, and fortune,” pagtatapos ng alkalde.

Samantala, ang iba pang mga aktibidad sa idinaos na pagdiriwang ng Chinese New Year sa araw ng Linggo ay ang Dragon Boat Competition na sinimulan dakong alas-8 ng umaga sa Pasig River hanggang Binondo-Intramuros Bridge, Solidarity Parade na sinimulan dakong alas-2 ng hapon sa harapan ng gusali ng Post Office at ang Huaxing Arts Group Chinese Cultural Show dakong alas-6 ng gabi sa Plaza Lorenzo Ruiz.

AUTHOR PROFILE