Default Thumbnail

Mayor Honey pinangunahan pagbubukas ng LMP General Assembly

February 23, 2023 Edd Reyes 181 views

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagbubukas ng pangkalahatang pagtitipon ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) nito lamang Martes ng gabi sa Manila Hotel.

Ang LMP, na kinabibilangan ng may 1,500 miyembro mula sa buong kapuluan, ay isang organisasyon ng lahat ng mga munisipalidad na nilikha sa ilalim ng Section 495 ng RA (Republic Act) 7161 o ng Local Government Code of 1991 na inamiyendahan upang maging bukas sa pagpapahayag at maging malinaw ang mga usapin na nakakaapekto sa pamamahala ng bawat munisipalidad.

Nagkakaloob din ito ng oportunidad sa mga alkalde ng bawat munisipalidad upang ibahagi ang kanilang magagandang pamamaraan sa pagpapatakbo ng kanilang lokal na pamahalaan at matalakay ang lahat ng isyu na nakakaapekto sa bawat munisipyo.

“Let me congratulate the leadership of the League of Municipalities of the Philippines headed by Mayor JB Bernos, the entire executive committee for organizing this General Assembly of all our municipal mayors,” ang naging pahayag ng kauna-unahang babaeng alkalde ng kabisera ng bansa.

“I wish you a successful, fruitful, and meaningful gathering,” dagdag pa ng alkalde.

Bilang tugon, pinasalamatan naman ni LMP National President Mayor Joseph Bernos ng La Paz, Abra, si Mayor Lacuna-Pangan at ang Lungsod ng Maynila sa mainit na pagtanggap sa kanilang organisasyon.

Ang pangkalahatang pagtitipon ng mga miyembro ng LMP ay dinaluhan din ni Vice President (VP) at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte.

Sa kanyang pagsasalita, nagpahayag ng mainit na pasasalamat ang bise resident sa mga alkalde ng bawat munisipalidad na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng ahensiyang kanyang pinamumunuan.

Umapela rin si VP Sara Duterte sa mga alkalde na huwag gamitin ang mga guro para mapagwagian ang mga darating pang halalan sa bansa.

AUTHOR PROFILE