Dizon Si P/Capt. Dennis Turla (kaliwa) habang kasama si MPD (Manila Police District) Chief P/Brig. Gen. Andre P. Dizon matapos matanggap ng una ang ‘Case Manager of the Year’ award sa 122nd founding anniversary ng MPD. Kita sa larawan ang pagkamay ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. kay Turla kasama ang kanyang maybahay na si Roselle H. Turla. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD homicide chief pinarangalang ‘Case Manager of the Year’

February 23, 2023 Jonjon Reyes 1193 views

AzurinBINIGYANG pagkilala ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr. si P/Capt. Dennis Turla, chief ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD) bilang “Case Manager of the Year” sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng pagkakatatag ng MPD sa Century Park Hotel, Malate, Maynila.

Lubos naman ang pasasalamat ni “The Game Changer General” MPD Chief P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon sa kanyang mga kapulisan na tapat na tinutupad ang tungkulin bilang mga alagad ng batas.

Tinanggap ni Turla ang parangal kay Azurin kasama ang maybahay niya na si Roselle H. Turla at kanyang ina na si Gng. Josefina Turla.

AUTHOR PROFILE