Lacuna Nagpakuha ng larawan si Mayor Honey Lacuna-Pangan (gitna) kasama ang kanyang department heads at mga opisyal ng WWF-Philippines habang nakasenyas ng W sa kanilang kamay.

Maynila punong abala sa pagdiriwang ng Earth Hour 2024

March 6, 2024 Edd Reyes 93 views

IKINARANGAL ni Mayor Honey Lacuna-Pangan na mapili ang Lungsod ng Maynila bilang punong-abala sa pagdiriwang ng Earh Hour 2024 na nakatuon sa pagpuksa sa polusyon na dulot ng mga plastic.

Ang lokal na paggunita sa Earth Hour 2024 na pinangunahan ng World Wide Fund for Nature-Philippines (WWF-Philippines) ay gaganapin sa Marso 23, araw ng Sabado sa Kartilya ng katipunan sa gilid lamang ng Manila City Hall.

Bilang pangunahing katuwang sa pagdiriwang ng Earth Hour ngayong taon, ilang mga makasaysayang lugar sa lungsod, kabilang ang City Hall Clock Tower at Monumento ni Jose Rizal ay magpapatay ng ilaw sa loob ng isang oras simula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi sa Marso 23 bilang pagpapahayag ng pangako at pakikiisa sa ipinaglalabang pagbibigay protekta sa kalikasan.

“As the country’s capital, we’re keen on using the influence we have in engaging other cities and Filipinos to do their part in saving the environment,” pahayag ni Mayor Honey Lacuna sa kanyang talumpati.

Sa kanya namang panig, sinabi ni WWF-Philippine Executive Director Katherine Custodio na marami na ang nakalimot na tayong lahat ay may malalim na koneksiyon sa kalikasan. “But the way we live, the way we produce and consume, the way we create the spaces we live – all have made a tremendous impact on our environment, on biodiversity,” pahayag niya sa paglulunsad ng Earth Hour 2024 Martes ng hapon sa Bulwagang Villegas.

“This year Earth Hour Philippines’ focus is on addressing plastic pollution as it is one of the most pressing concerns for our country and a public health issue. We generate 2 million tonnes of plastic waste in the Philippines every year, only 9% is recycled, and 35% leaks out into the open environment. As we are an archipelago of 7,640 islands, the damage caused by plastic pollution to our environment is magnified,” dagdag pa ni Custodio.

Itinuon din ni Custodio ang pakikipagkasundo sa Lungsod ng Maynila bilang katuwang sa paglaban sa polusyon na dulot ng plastic matapos lagdaan ni Mayor Lacuna-Pangan na maging “Plastic Smart City” ang lungsod o ang tuluyang pagbabawas ng 100% ng basurang dulot ng plastic sa taong 2030.

AUTHOR PROFILE