Crime

May-ari ng water station binaril sa Pampanga

August 24, 2023 Bernard Galang 287 views

ISANG babaeng may-ari ng water refilling station ang binaril sa dibdib nitong Miyerkules ng dalawang lalaking sakay naka-motorsiklo sa Lubao, Pampanga.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., nakilala ang biktima na si Maria Lourdes Batchinela-Dabu, 40, ng Paralaya ll, Bgy. Ang Sto. Tomas, Lubao, Pampanga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sumulpot ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng walang plakang motorsiklo at bumaba ang backrider saka binaril ang biktima ng dalawang beses sa dibdib.

Tumakas ang dalawa sa hindi malamang direksyon matapos ang insidente.

Nakasuot ng itim na sweat shirt, itim na maong, itim na jacket at helmet ang isa sa mga salarin, ayon sa mga testigo.

AUTHOR PROFILE