Sarah1

Matteo kay Sarah sa 4th wedding anniversary: Thank you for being you

February 21, 2024 Vinia Vivar 117 views

Kahapon ay ipinagdiwang ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang 4th wedding anniversary.

As always ay hindi nakalimot si Matteo na mag-post ng sweet greetings sa kanyang misis.

“Happy 4th year wedding anniversary my love! 4 years of ‘WOW!’” ang simula ng aktor.

“Marriage is complete with all the emotions you’ll ever imagine. Learning and living life with you is magical and unexplainable. Wisdom and maturity is gained. Looking forward to many many more years, forever. I love you. Thank you for being you,” mensahe pa ni Matteo kay Sarah.

Dumagsa naman ang pagbati sa mag-asawa mula sa netizens, fans and celebrity friends.

As usual, dedma lang ang Popstar Royalty sa pagbati ng mister at fans dahil hindi naman talaga siya mahilig makigulo sa social media.

AUTHOR PROFILE