Criza Larawan mula sa IG/Criza Taa

Criza nakakanginig ng laman

February 21, 2024 People's Tonight 138 views

NAKAKATUNAW ng nyebe ang aktres at social media star na si Criza Taa nang ibandera nito ang kanyang bikini body sa gitna ng taglamig.

Sa kanyang Instagram page nitong Martes, February 20, ibinahagi ng former ‘Pinoy Big Brother 8’ housemate ang kanyang pinuntahang bansa na kasalukuyang nasa winter season.

“Is it too late to ask you to be my valentine?” sey niya sa caption ng kanyang post.

Kapares ng kanyang two-piece swimsuit ang panlamig at leg warmers.

Dedma sa lamig ang aktres, dahil todo awra siya sa ginta ng lamig.

Pakak na pakak ang kanyang perfect body na talaga namang nakakanginig ng laman.

Kaya naman ang netizens sa kanyang comment section ay talaga namang nauga sa pasabog na ito ni Criza. Maging ang ilang kapwa niya personalities ay hindi nagpaawat sa pagbibigay ng reaksyon sa alindog ng aktres. Ayon sa komento nila sa mga larawan ni Criza: “For sure nag-melt yung snow coz you’re [hot],” “JAW DROPPED,” “OMG natunaw yung snow girl,” “REAL HOT REALLY HOT!!!,” “The real definition of IN GAME she’s a burning fire in a cold season ,” at “Kaya pala umiinit na dito!!!”

AUTHOR PROFILE