Maris

Maris, balik-TikTok matapos magpositibo sa Covid

May 20, 2023 Vinia Vivar 208 views

Nagpositibo sa COVID-19 si Maris Racal at kasalukuyang naka-quarantine. Inanunsyo ng aktres ang aniya’y “hindi nakakatuwang” balita sa pamamagitan ng isang TikTok video.

Sa nasabing video ay ipinakita niya ang resulta ng kanyang COVID-19 test na positibo sabay-sabing, “Hindi nakakatuwa.”

Nasa Day 3 na raw siya ng quarantine at nalulungkot na siya dahil wala siyang kausap.

“Medyo nalulungkot na ‘ko and wala talaga akong interactions sa mga tao physically and in person kaya bumabalik ako sa TikTok,” she said.

Dagdag pa niya, “Wala talaga akong kausap.”

In fairness, mukhang hindi naman halatang may sakit ang aktres dahil malakas siya’t mukhang hindi naman matindi ang kanyang symproms.

In fact, nagme-make-up siya habang nagvi-video dahil may zoom meeting daw siya.

AUTHOR PROFILE