Arestado

‘MANG KANOR’ ARESTADO

March 2, 2024 Steve A. Gosuico 130 views

CUYAPO, Nueva Ecija – Kalaboso ang isang lolo matapos damputin ng mga warrant operatives dahil sa kasong sexual assault at acts of lasciviousness sa isinagawang manhunt operation nitong Biyernes dito.

Kinilala ni city police head Lt. Col. Erwin V. Ferry ang naarestong suspek na si alyas “Mang Kanor” na eded 75, binata ng Barangay Burgos ng bayang ito.

Tinukoy ng pulisya ang suspek bilang number five most wanted person ng bayan.

Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin matapos salakayin ng mga operatiba ang kanyang bahay at isilbi ang warrant alas-11:30 ng umaga.

Sinabi ni Ferry na ang manhunt operation laban sa suspek ay isinagawa batay sa warrant of arrest para sa dalawang bilang ng sexual assault at isa para sa acts of lasciviousness na inisyu ng presiding judge ng Guimba Branch 32 Regional Trial Court noong Pebrero 29, 2024, na may inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na itinakda sa P120,000 para sa bawat kasong sexual assault at P80,000 para sa lascivious conduct case.

Binasahan ang naarestong suspek ng kanyang mga karapatan sa ilalim ng Saligang Batas at dinala sa kustodiya ng pulisya para sa tamang disposisyon.

AUTHOR PROFILE