Basilan File photo ni JONJON C. REYES

550 na baril sinira sa Basilan

March 2, 2024 Chona Yu 56 views

SUMISIP, BASILAN — Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsira sa mga isinukong armas ng iba’t ibang makakaliwang grupo sa Barangay Mahatalang, Sumisip, Basilan.

Nasa 550 na piraso ng mga baril ang isinuko sa pamahalaan.

Sa naturang bilang, 311 ang high powered firearms at 239 ang low powered firearms.

Dinaanan ng pison ang mga armas sa Kasanyangan Monument na isang Yakan vernacular na sumisimbolo ng kapayaan.

Nabatid na ang lugar ay dating kuta o main camp ng extremist na Abu Sayyaf.

Target ng lokal na pamahalaan na gawing tourist attraction ang lugar lalot naging simbolo na ito ng pag-asa at kapayapaan.

Oktubre noong nakaraang taon nang ilunsad ng pamahalaan ang Small Arms and Light Weapons Management Program na humihikayat sa makakaliwang grupo at extremists na isuko ang armas at magbalik loob sa pamahalaan.

Supprtado ng United Nations Development Program at ng pamahalaan ng Japan ang naturang programa.

AUTHOR PROFILE