Libro

Mamimirata ng 2023 SMMFF entries, aarestuhin!

April 2, 2023 Ian F. Fariñas 300 views

ApagCarloUnravelMaputiGroomWALANG binatbat ang matinding init ng panahon sa init ng pagtanggap ng fans sa mga artistang lumahok sa Parade of Stars ng 1st Summer Metro Manila Film Festival na nagsimula sa Villa Beatriz sa Commonwealth, Quezon City kahapon.

Pinangunahan nina Bela Padilla, Boboy Garovillo at Korean actor na si Yoo Min-Gon ng Viva Films entry na Yung Libro sa Napanood Ko ang mga bituin ng walong entries na dumalo sa okasyon.

Naroon din sina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas ng About Us But Not About Us, Enchong Dee, Maris Racal, Awra Briguela, Kaladkaren, Miles Ocampo, Direk Chris Martinez at Nico Antonio ng Here Comes the Groom, Carlo Aquino at Eisel Serrano ng Love You Long Time, Alex Gonzaga, Angeline Quinto at Aljur Abrenica ng Single Bells, Gerald Anderson, Kylie Padilla at Direk RC de los Reyes ng Unravel, Coco Martin, Jaclyn Jose, Gladys Reyes, Sen. Lito Lapid at Direk Brillante Mendoza ng Apag, RK Bagatsing, Meg Imperial, Eric Nicholas, Dennis Padilla at Shira Tweg ng Kahit Maputi na ang Buhok Ko.

Binalaan naman ng MMDA chairman na si Atty. Romando Artes ang mga may balak mamirata ng entries sa kanyang opening message.

“Gusto ko lamang pong balaan, marami po kaming nakikitang post sa Facebook na nag-aalok ng pelikula na mapapanood daw po itong ating mga entries. Pinaiimbestigahan na po natin ito sa NBI at PNP at siguradung-sigurado po maaaresto natin at ipu-prosecute itong mamimirata ng ating mga pelikula. Kaya kailangan panoorin po natin ang pelikula sa ating mga sinehan. Kung anong init po ng panahon, sana ganu’n din po ang init ng inyong pagtanggap at pagsuporta dito sa walong pelikulang kalahok sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival. Magandang hapon po sa ating lahat,” ani Atty. Artes.

Ang 1st Summer Metro Manila Film Festival ay tatakbo sa mga sinehan nationwide simula April 8 hanggang April 18.

AUTHOR PROFILE