Default Thumbnail

MALAKING tulong ang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

December 23, 2023 Marlon Purification 145 views
Marlon
Marlon

Hindi na kasi pakalat-kalat ang mga pasahero ng bus ngayon na uuwi ng probinsiya.

Kaya naman ngayong ‘holiday season’ ay hindi magkadaugaga ang mga namamahala ng PITX para mabigyan ng magandang serbisyo ang mga pasahero.

In fairness, medyo maayos ang loob ng PITX.

Kailangan lang talaga ng masinsinan pang improvement para higit na mapagandan nila ang serbisyo sa mga kababayang pasahero.

Isa na rito ang kawalan o kakulangan ng supply ng ‘trolley’ na ginagamit para lagyan ng mga bagahe ng pasahero.

Kulang ito, nagkakaubusan at iyong iba ay mga sira na!

Medyo kulang din ng upuan sa mga Gate Area ng terminal. Sa rami ng dumaragsang pasahero, hindi malayong kapusin talaga ng upuan at trolley.

Pero dahil malaki ang ‘room for improvement,’ naniniwala tayong madali itong maaksiyunan ng masipag at magaling na sekretaryo ng Department of Transportatioin (DOTr) na si Boss Jimmy Bautista.

Siyempre gayundin ang head ng corporate affairs ng PITX na si Jason Salvador.

Ang kagandahan ng PITX ay magiging ‘benchmark,’ hindi lamang ng Manila North Port kundi ng iba pang terminal ng passenger terminal sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Siyangapala, may mga pasaherong nahihirapan dahil iyon ibang bus na bumibiyahe sa pgobinsiya ay dumadaan pa sa ilang terminal sa Pasay para pumik-ap ng iba pang pasahero.

Okay ito kung doon ‘convenient’ ang mga passengers. Pero nana, in a-announce ito ng mama sa ilang maapektuhang pasahero.

Pagsabihan din ang mga passenger bus na huwag magpapatugtog ng malakas na stereo. Kasi iyong ibang pasahero ay gusto matulog pero hindi makatulog dahil lamang sa kapritsong mag-sound trip ng ilang bus at konduktor.

Umaasa tayong ang mga ganitong simpleng kahilingan at suhestiyon ay mabibigyang daan upang mapagbigyan.

Bago po ako magtapos, gusto kong batiin ang lahat ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat!

Patnubayan po sana tayo lagi ng ating Panginoong Hesus!