Maine

Maine, wagi sa 27th Asian TV Awards

December 2, 2022 Jun Nardo 133 views

PANALO si Maine Mendoza bilang Best Entertainment Presenter/Host sa nakarang 27th Asian TV Awards.

Host ng Maine Goals si Maine na napapanood sa Buko channel and of course, sa Eat Bulaga rin.

Hindi nga lang personal na natanggap ni Meng ang award niya dahil may taping siya ng Daddy’s Gurl sitcom kasama si Bossing Vic Sotto.

Siyempre, proud ang Access to All Artists (Triple A) management ni Maine gayundin ang kanyang fans na patuloy pa rin siyang sinusuportahan.

Congratulations, Maine!

AUTHOR PROFILE