Vina

Bagong BF, nakilala ni Vina 21 years ago

December 2, 2022 Vinia Vivar 117 views

Kinumpirma ni Vina Morales na may bago nang nagpapatibok sa kanyang puso ngayon.

Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay niya ito inamin matapos ngang pag-usapan ang kanyang mga Instagram post kung saan ay may kasama siyang guy habang nasa Boracay at sweet na sweet sila.

“Ako naman ay masaya. Inspired ako and kinikilig, tumitibok ang puso ko. It’s been a while, parang ang tagal na.

“I don’t want to give so much details but then na-post ko rin sa IG ko ‘yon na I met him 21 years ago. So ‘yung story namin is parang teleserye din,” pagbabahagi ni Vina.

Una niya raw nakilala ang guy nang mag-show siya sa Hawaii 21 years ago and at that time ay wala pa siyang anak.

“I met him when I did a show in Hawaii 21 years ago, wala pa akong Ceanna (her daughter).

“We’ve been in touch. And then bigla na lang I don’t know itong trip ko na ito, itong tour, he watched my show in Miami.

“And then doon na nag-start lahat, ulit. All the time he’s always been in touch, e-mail, hindi ko lang nababasa masyado, pati sa Instagram parang ganu’n. But he is really a nice guy,” kwento ni Vina.

Sa ngayon ay hindi pa raw niya alam kung saan sila dadalhin ni Lord.

“I am praying. Let’s see where God will lead us, bahala na. Hindi pa natin alam kung saan, basta pampapakilig okay na ‘yon, paminsan-minsan mag-post,” aniya.

Matatandaan na ang huling nakarelasyon ni Vina ay ang French na si Marc Lambert.

They broke up in 2017 dahil hindi raw nag-work sa kanila ang long distance relationship.

AUTHOR PROFILE