Isko

Isko, kinabahan sa paggawa ng ‘MoM’

December 2, 2022 Jun Nardo 152 views

GOODBYE, politics! Hello, showbiz si former Manila Mayor Isko Moreno.

Kasama si Isko sa pelikulang MoM (Martyr or Murderer) kung saan lalabas siya bilang si former Senator Ninoy Aquino.

Sinasabing sequel ito sa hit movie na Maid In Malacañang at sa Ilocos niya ito ginawa.

Ilan sa mga kasama niya sa cast ay sina Cesar Montano bilang former President Ferdinand Marcos Sr. at Ruffa Gutirrez bilang Imelda Marcos.

“I am grateful at kasama ko sina Cesar at Ruffa sa movie. Kabado ako nu’ng una pero natuwa naman si Direk Darryl sa performance ko,” saad ni Isko nang pasyalan namin sa production office niya sa BGC, Taguig City.

Bukod sa pag-aartistang muli, magkakaroon ng digital talk show si Isko na Isko-nversations na siya ang host.

May nakalaan din siyang trabaho sa mga taga-showbiz sa mundo ng digital platforms at streaming.

“I want to pay back sa mundong una kong pinasok. Puwede silang maging content creators at welcome sila sa Scott Media production house,” sambit niya.

Mistulang isang network ang Scott Media at high tech ang gamit na ipinakita sa amin ni Isko.

AUTHOR PROFILE