Maine

Maine at Arjo, nagbigay-pugay kina Ninong Tito at Joey

July 1, 2023 Ian F. Fariñas 322 views

Maine1NAKAPAG-‘COURTESY call’ na sina QC Cong. Arjo Atayde at fiancee niyang si Maine Mendoza sa celebrity wedding ninongs nila na sina Joey de Leon at Tito Sotto.

Magkahiwalay na ipinost ng dalawang TV icons ang kanya-kanyang litrato sa Instagram kung saan makikita silang kasama ang ArMaine bitbit ang crate ng pre-wedding items at invitation.

Caption ni Tito Sen sa ipinost na picture, “All set for July!”

Si Henyo Master namang si Joey, ang sabi, “The month of JULY will surely be one if not the most memorable this year – The Dabarkads moving to TV5, the 44th Anniversary of our beloved Eat Bulaga and the ‘very special day’ of our inaanaks Arjo and Maine! So honored and thankful.”

Komento ng mga ikakasal, “Thank you po Sir Joey! thank you po talaga!” (Arjo) at “Ninong Joey” na nilagyan ng tatlong heart emojis (Maine).

Sa previous interviews, bigo ang entertainment press na hingan si Maine ng detalye tungkol sa nalalapit na kasalan.

Polite naman siyang nagde-decline tuwing may nagtatanong, “Sorry po, wala akong ise-share.”

Pero dahil common knowledge na importante sa ArMaine ang petsang July 28, hula ng marami, July 28 gaganapin ang tinatayang “Wedding of the Year.”

BITOY, BET I-GUEST SI VICE SA ‘BUBBLE GANG’

BitoyNGAYONG nasa GTV, sister station ng GMA-7, na ang Kapamilya noontime show na It’s Showtime, natanong si Michael V. kung sino ang bet niyang i-guest sa nagbabagong-timeslot na Bubble Gang ng Kapuso network.

Walang kagatul-gatol na sagot ni Bitoy, “Si Vice Ganda!”

Ayon sa komedyante, matagal na siyang pinaringgan ni Vice na baka naman pwede siyang mag-guest sa longest-running gag show sa bansa.

Binalikan niya ang eksena kung saan nagkita umano sila ni Vice sa isang concert ng common friend nilang si Ogie Alcasid.

Ikinatutuwa raw ni Bitoy ang pagiging bukas ng Kapamilya prized property sa possibility ng pagku-collab nila sa isang proyekto.

Hopefully, aniya, mangyari o matupad na nga ang wish na ito ni Vice sa Bubble Gang ngayong nasa bakuran na rin naman ito ng Kapuso channel.

Anyway, tuwing Linggo, alas-sais ng gabi, na nga mapapanood ang Bubble Gang mula sa dati nitong timeslot na Biyernes ng gabi.

Paliwanag ni Bitoy, ng direktor nilang si Frasco Mortiz at GMA execs, ginawa nila ang paglipat at inagahan ang timeslot para mas maraming Pinoy fans ang makapanood ng kanilang paboritong gag show.

Nananatili sa gang sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Kokoy de Santos, Chariz Solomon, atbp.

AUTHOR PROFILE