Showtime

‘Showtime’ sa GTV, tinambakan ng Kapuso stars

July 1, 2023 Vinia Vivar 252 views

Halatang pinaghandaan ng “It’s Showtime” ang kanilang first episode sa GTV channel ng GMA ngayong July 1.

Opening number pa lang ay bongga na dahil sa pagsasama-sama ng mga host na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Amy Perez, Vhong Navarro at Jhong Hilario ang ilan sa mga sikat na Kapuso at Kapamilya stars sa isang production number.

Kabilang sa mga ito sina Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Barbie Forteza, Belle Mariano, Alexa Ilacad, Sanya Lopez, Chie Filomeno, Mark Bautista, Christian Bautista, Erik Santos, Pokwang, Jolina Magdangal at marami pang iba.

Ang saya ng atmosphere sa show at makikita mong ang taas ng energy ng lahat sa pangunguna ni Vice.

“Kapamilya, Kapuso unite! Ito na ang inaabangan ng lahat!” sabi ni Vice.

“Ang trending na usap-usapan at inaabangan sa social media, ang ‘di natin inakalang mangyayari. It is really happening right now, right here.

“Buong bansa at buong mundo ang saksi dito sa makasaysayang selebrasyon natin,” patuloy niya.

“Wala nang hihigit dito sa pinakamatinding plot twist ng taon. Dahil ang Kapamilya at Kapuso ngayon ay pinag-isa,” sey pa niya.

Noong June 30, sa last episode ng “It’s Showtime” sa TV5 ay nagpasalamat si Vice sa buong pamunuan ng Kapatid network.

“Gusto naming magpasalamat sa pamunuan ng TV5, sa inyong tahanan, sa pagbibigay po sa amin ng pagkakataon at oportunidad na makagamit po ng inyong bahay, sa pagkupkop sa amin na kahit hindi man masyadong matagal, panandalian, ay napakalaking tulong po n’un sa amin, sa aming pamilya, sa madlang pipol,” pahayag ni Meme.

“Napakalaking pabor po ‘yung binigay ninyo sa amin. Kaya naman po, ilang kabanata man ang maisulat namin mula sa araw na ito, saan man mapunta ang istorya ng ‘It’s Showtime’ bibitbitin namin ang kabanatang ito kung saan nakaramdam din po kami ng saya mula sa inyo sa pagpapatuloy ninyo sa amin,” he added.

AUTHOR PROFILE