Default Thumbnail

Magpinsan tiklo sa shabu sa Malate

September 8, 2022 Jonjon Reyes 309 views

NAGSAGAWA ng isang buy-bust operation ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD) kung saan narekober ang tinatayang aabot sa P170,000 halaga ng shabu sa Malate, Maynila, madaling araw nitong Miyerkules.

Ang nasakoteng suspek ay pawang magpinsan pa umano.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, station commander ng MPD Malate Police Station 9, bandang 2:40 ng madaling araw nang ikasa ang anti-drug op sa Madre Ignacia Street malapit sa panulukan ng Quirino Avenue sa Malate dahil sa mga ulat na talamak na bentahan ng ilegal na droga sa lugar.

Sa pangunguna ni P/Lt. Josephus Melpaz, hepe ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU), narekober ang limang plastic sachet ng shabu na nasa 25 gramo at may halagang P170,000.

Dahil dito, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article Il ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

AUTHOR PROFILE