Magpakailanman presents Prisoners of Love

June 3, 2021 People's Journal 127 views

NGAYONG Sabado, June 5, mapapanood ang isang nakakakilig at nakakaiyak na special at fresh episode ng Magpakailanman hosted by Mel Tiangco on GMA7 na pinamagatang Prisoners of Love. Pinagbibidahan ito nina Kristoffer Martin bilang Michael, Elle Villanueva bilang Evelyn, Victor Anastacio bilang Ayeng at Don Umali bilang Tatay Eko.

Kapwa mga bilanggo sina Michael at Evelyn sa kani-kanilang buhay. Dating macho dancer, holdaper, drug pusher at isang jail inmate si Michael nang makilala niya si Evelyn na isang abused OFW. isa siyang domestic helper sa Hong Kong na parang isang preso na rin dahil sa mga responsibilidad sa kanyang malupit na amo at sa kanyang pamilya bilang isang breadwinner.

Hanggang sa naging magka-chat sila sa Facebook at nagkaroon ng relasyon pero inilihim ni Michael na nakapiit siya sa Bilibid sa takot na mahusgahan siya at layuan ni Evelyn na minamahal na niya at naging inspirasyon para sa kanyang pagbabagong-buhay. Paano kung malaman ni Evelyn ang buong katotohanan? May pag-asa pa kayang magkaroon sila ng “happily ever after”?

Mula sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Angel Lauño, ang episode ng Magp[akailanman ngayong Sabado ay mula sa direksyon ni Conrado Peru,.

AUTHOR PROFILE