Default Thumbnail

Magnakaw nakasalubong ng bahay na ninakawan, kulong

September 18, 2022 People's Tonight 319 views

ARESTADO ang 27-anyos na lalaki matapos na makasalubong nito ang may-ari ng bahay na kanya umanong ninakawan sa Quezon City.

Kinilala ng Talipapa Police Station (PS 3) ang suspek na si Marlon Armada, residente ng Barangay Baesa, Quezon City.

Umalis umano ang hindi pinangalanang biktima sa kanyang bahay noong Setyembre 9 sa Howmart Rd., Barangay Baesa, Quezon City.

Kinagabihan ay pinasok umano ng suspek na mayroong isang kasama ang bahay at ninakaw ang isang laptop, anim na cellphone, electric drill t grinder.

Kinabukasan ay bumalik umano si Armada sa bahay at ninakaw ang refrigerator, dalawang washing machine, dalawang electric fans, mga damit at sapatos.

Hindi pa nasiyahan sa kanyang nakuha, bumalik pa umano si Armada noong Setyembre 12 at kinuha ang dalawang bag at extension wire.

Habang papalabas ay dumating naman ang may-ari ng bahay. Nagtangka umanong tumakas ang suspek subalit nahuli ito ng mga rumespondeng pulis.

Dati na umanong nakulong ang suspek dahll sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

AUTHOR PROFILE