Lacuna Katuwang ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Baseco Police Station 13 sa ilalim ni Station Commander P/Lt. Col. Rodel Borbe ang paglilinis ng ‘Baseco Beach’ sa taunang ‘International Coastal Cleanup Day’ na ginanap sa Aplaya, Baseco Compound, Port Area, Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD nagbigay suporta sa ‘ICC Day’ sa Baseco

September 17, 2022 People's Tonight 488 views

NAKILAHOK ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) Baseco Police Station 13 sa pamumuno ni Police Lt. Col. Rodel Borbe, station commander, kabilang sa pagbibigay seguridad sa lugar matapos ganapin ang “International Coastal Cleanup Day 2022” na ginanap sa Baseco Beach Front, Aplaya, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Sa pangunguna ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kung saan Ito ay sabay-sabay na aktibidad sa buong mundo na “naglalayong bawasan ang basura at polusyon sa mga karagatan at dalampasigan”.

Katuwang ni Mayor Honey ang mga volunteer mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno kaugnay ng kanyang agenda na “Intensified Cleanliness Policy”, upang gawing magandang “tahana” at “maaliwalas” ang Lungsod ng Maynila.

Ayon naman kay Borbe, hindi lang sa paghuhuli ng kriminal at “paglilinis” sa kanilang mga area of responsibility laban sa mga kriminalidad ang kanilang tungkulin ngunit kalinisan rin ng kapaligiran at pangangalaga ng kalikasan.

AUTHOR PROFILE