PAGASA

Mag-ingat, habagat may dalang ulan, kidlat

August 13, 2023 People's Tonight 162 views

SINABI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magdudulot ng pag-ulan at pagkidlat ang “southwest monsoon” o habagat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Batay sa pinakabagong ulat ng weather bureau, inaasahan ang maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat sa Bicol, Visayas, Mindanao at hilagang bahagi ng Palawan dahil sa habagat.

Maaaring maging sanhi ng pagbaha at posibleng pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na inaasahan.

Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ang bahagya hanggang maulap na kalagayan ng panahon na may mga kalat-kalat na pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot pa rin ng habagat.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng malalakas na pagkidlat.

AUTHOR PROFILE