Posas

Mag-ama sabit sa P33M robbery, tiklo

February 29, 2024 Edd Reyes 81 views

DINAKMA ng pulisya ang mag-ama na umano’y sangkot sa pagtangay ng mahigit P33 milyon sa loob ng condominium ng isang Malaysian national sa Pasay City noong Martes.

Sinakote sina alyas George, 75, at Luis, 53, matapos lumabas sa imbestigasyon na sila ang nagbigay ng impormasyon sa mga holdaper na puwersahang pumasok sa condominium ni alyas Tang, isang Malaysian, dakong alas-11:00 ng gabi.

Natangay ng mga kawatan ang bag ng biktima na naglalaman ng P50,000, iPhone, passport at iba pang personal na gamit, pati na ng P33 milyon cash na pag-aari ng kaibigan ng biktima.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, unang nabisto ang pagkakasangkot ni Luis, driver at bodyguard ng biktima, bago natuklasang kasabwat pala ang kanyang ama matapos makita sa palitan nila ng text message kaugnay sa planong panloloob.

Iniutos na ni Pespes sa Pasay police ang pagkilala at pagtugis sa mga nanloob na kalalakihan.

AUTHOR PROFILE