Pasahero Source: FB

2 pasahero ‘sinurot’ sa NAIA, MIAA nag-sorry

February 29, 2024 Jun I. Legaspi 114 views

AGAD humingi ng paumanhin si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines sa dalawang pasahero na kinagat ng surot habang naghihintay ng kanilang flight sa Terminal 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mabilis din inutusan ni GM Ines ang lahat ng opisyales ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa insidente at magbigay ng report sa loob ng 24 oras para maging basehan sa pagbalangkas ng recomemdasyon upang hindi na maulit ang insidente.

Naging viral ang larawan ng dalawang pasahero sa Facebook na nagpapakita ng mga kagat surot sa kanilang binti.

Ayon sa MIAA na inalis na ang mga upuan sa passenger waiting area na may surot.

AUTHOR PROFILE