Default Thumbnail

LRT-2 tigil operasyon sa Semana Santa

March 16, 2024 Jun I. Legaspi 107 views

INANUNSUYO ng management ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) na magpapatupad sila ng tigil-operasyon sa panahon ng Semana Santa.

Ayon sa management mula March 28 hanggang March 31, 2024 (Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay) para bigyang-daan ang annual maintenance activities ng LRT-2.

Sa araw naman ng Miyerkules Santo, March 27, 2024, magpapatupad ng pinaikling operasyon ang management.

Aalis ang unang tren sa Recto Station at Antipolo Station ng 𝟓 a.m. habang ang huling tren naman ay aalis ng 𝟕 p.m. sa kaparehong istasyon.

Babalik ang regular operations ng LRT-2 sa April 1, 2024, ayon sa management.

AUTHOR PROFILE