PAGASA

LPA sa Surigao del Sur ‘posibleng’ maging bagyo

December 9, 2022 Melnie Ragasa-limena 81 views

MAAARING maging bagyo ngayong Sabado ang low pressure area (LPA) na namataan sa loob ng Pilipinas, at magdudulot nang malawakang pag-ulan sa malawak na bahagi ng bansa.

Batay sa 11 a.m. bulletin (Disyembre 9), sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang “brewing storm’s trough” o extension at ang shear line – ang lugar kung saan nagtatagpo ang malamig at mainit na hangin, ay magdadala ng mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Mimaropa (Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, Palawan), Bicol Region, Visayas, Caraga, at Davao Region sa susunod na 24 oras.

“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible,” babala ng PAGASA weather specialist Benison Estareja.

Namataan ang LPA na may layong 415 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur bandang alas-10 ng umaga.

Ito ay maaaring maging tropical depression sa loob ng 24 hanggang 48 oras at tatawaging “Rosal.”

Ang potensyal na bagyo ay papalapit sa Caraga at Silangang Visayas ngayong Biyernes, hilagang Samar at Bicol sa susunod na araw, at silangan ng mga lalawigan ng Quezon at Aurora sa Linggo, ayon pa sa PAGASA.