Default Thumbnail

Lolo tigok matapos pagtulungang upakan

February 24, 2022 Jonjon Reyes 339 views

DALAWANG ospital pa ang pinagdalhan bago binawian ng buhay ang isang 60-anyos na senior citizen makaraang paggugulpihin ng apat na kalalakihan sa Tondo, Manila Miyerkules ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Edmundo Santos, jobless ng Tawilis Bilaran Kaunlaran Village, Caloocan City.

Apat ang itinuturong responsable sa krimen ang patuloy na tinutugis ng mga kapulisan matapos iutos ni Manila Police District (MPD) Director P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco na magsagawa ng isang manhunt operation upang papanagutin sa kasong murder habang pinalulutang pa ang testigo para sa ikalulutas ng kaso.

Base sa ulat na isinumiti ni Det. Jero Santos kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng MPD-Homicide Section, nasa pagitan ng alas-6:13 hanggang alas-7:30 ng gabi nang maganap ang pambubugbog kay Santos sa riles ng tren malapit sa Maria Guizon St. sakop ng Bgy. 152 Zone 14 sa Tondo.

Ayon kay Rowena Tolentino, kapatid ng biktima, dumating ito sa kanyang bahay na namamaga ang pisngi.

Dito na nito isinugod sa Martinez Hospital ang biktima at kalaunan ay inilipat ito sa Diosdado Macapagal Memorial Medical Center subalit dakong 9:27 ng gabi nang ideklarang patay na ang biktima ni Dr. Ramon Antonio.

Sa pagsisiyasat ni P/Major Johnny boy Itcay, comnander ng Tayuman Community Precinct sakop ng MPD-Stn. 7 kasama si P/Cpl. Kim Airo Gonzales, nagsagawa na sila ng ocular inspection sa lugar kung saan kita sa kuha ng CCTV ang insidente.

Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung may atraso ang biktima o may kaugnayan ito sa bawal na gamot, habang ang labi ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Eliseum Funeral Mogue para sa kaukulang awtopsiya. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE