Default Thumbnail

Lolo, 75, ‘nangmanyak’ dalawang ng 15-anyos

November 24, 2021 Edd Reyes 225 views

ISANG 75-anyos na lolo ang inakusahan ng dalawang 15-anyos na dalagitang estudyante matapos na hinipuan niya umano sa maseselang parte ng katawan at kinuhahan pa uamno ng hubo’t-hubad ang isa sa Malabon City.

Sa ulat na tinanggap ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nangyari umano ang insidente sa loob ng bahay ng suspek na si Serafin Domingo, sa Sto Rosario Village, Brgy. Baritan nitong Lunes, Nobyembre 22, 2021 matapos magtungo doon ang dalawang biktima makaraan silang imbitahan ng suspek.

Nakilala ng mga biktima ang suspek kamakailan lamang sa pamamagitan ng isa ring kaibigan at mula noon ay nagpalitan na sila ng mensahe sa social media hanggang imbitahan ni Domingo ang dalawang dalagita.

Sa ibinahaging impormasyon ni P/MSgt. Gerardo Bautista ng Malabon Police Sub-Station 7, una umanong hinipuan ng suspek ang Grade 5 na estudyante sa elementarya na itinago sa alyas “Lorie” dakong alas-2 ng hapon at nagawa pa umanong makuhanan ng larawan sa kanyang cellular phone ng walang saplot sa katawan ang biktima.

Alas-3 naman ng hapon noong araw ding iyon nang ang Grade 7 na dalagitang itinago sa alyas “Dianne” naman ang pinaghihipuan umano sa katawan ng suspek.

Nang makaalis na sa bahay ng suspek ang dalawang biktima, kaagad nilang isinumbong sa kani-kanilang magulang ang nangyaring insidente na nagsama sa kanila sa pulisya upang maghain ng reklamo.

Martes nang planuhin ng pinagsanib na puwersa ng Station Intelligence Section (SIS) at Sub-Station 7 sa pamumuno ni P/Maj. Patrick Alvarado ang pagdakip sa suspek sa pamamagitan ng paggamit sa dalawang dalagitang biktima na unang pinapunta sa bahay ni Domingo upang alamin kung naroon ang matanda habang nakamasid sa kanila ang dalawang naka-civilian na pulis.

Nang sumensyas ang mga biktima bilang hudyat na naroon ang suspek, kaagad na sumalakay ang mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip kay Domingo at nakuha rin sa kanya ang mobile phone na may larawan ng hubo’t-hubad na biktima.

Dalawang bilang na kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 o Special Protection Against Child Abuse at paglabag sa Anti-Pornography Act ang isinampang kaso ng pulisya laban sa suspek sa piskalya ng Malabon.

AUTHOR PROFILE