Default Thumbnail

Lolo, 69, patay sa bigti sa Tondo

March 9, 2022 Jonjon Reyes 401 views

DEPRESYON ang sinasabing nagtulak para kitilin ang sariling buhay ng isang 69-anyos na lolo, nang makita ito ng kanyang apo na nakabigti sa Tondo, Maynila Martes ng hapon.

Hindi na rin naisalba ng mga manggamot ng Mary Johnston Hospital ang lolong biktima na tinapos ang sariling buhay sa kanilang tahanan sa Pacheco St., Tondo.

Dakong 4:18 ng hapon nang ideklarang patay ang biktima ni Dr.Sean John David.

Base sa isinumiting ulat ni Det. John Siguen kay P/Insp. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-3:30 ng hapon nang makita ng apo ng biktima na nakabigti na ito gamit ang cable wire sa steel beam ng kanilang rooftop sa kanilang tahanan.

Agad umano nitong tinawag ang kanyang ina at saka ito humingi ng tulong sa mga barangay tanod para isugod sa naturang ospital ang biktima.

Nauna rito, bandang 1:48 ng hapon nang mananghalian ang biktima at matapos kumain ay nakita pa ng anak nito na may hawak itong kable ng kuryente.

Salaysay ng anak ng biktima, tahimik at depresyon ang nakikita nilang dahilan para magpakamatay ito.

Pansamantala namang inilagak ang katawan ng lolo sa hindi binanggit na punerarya para sa kaukulang awtopsiya base sa kahilingan ng pamilya. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE