Singson

Pag-aabot ng tulong

March 9, 2022 People's Tonight 406 views

ANG pagpapaunlad ng ekonomiya ay isa sa mga pangunahing layunin ng alinmang pamahalaan, mapa-lokal, rehiyon, o nasyunal.

Gayunman, hindi maikakaila na ‘di lahat ay mapalad na nararamdaman ang paglagong ito ng ekonomiya sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Dahil dito, ginagamit ng lokal na pamahalan ang mga programang naghahatid ng serbisyong makatutulong sa mga taong nasa laylayan ng lipunan sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila magmula sa mga pangunahing pangangailangan, hanggang sa mga kasangkapan at kagamitan na makatutulong naman para mapadali at maging produktibo ang kanilang kabuhayan.

Pinalawak pa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur ang outreach program nito kasama na ang lahat ng 32 munisipalidad at siyudad na bumubuo sa rehiyon sa pamamagitan ng Capitol Outreach Program, Reaching Your Areas Now.

Nangako si Ilocos Sur Governor Ryan Singson na itong outreach program ay tutugunan ang pangangailangan ng mga kinauukulan na namumuhay sa rehiyon sa kabila ng kahirapang nararanasan dahil sa mga restriksyong dulot ng COVID-19 pandemic.

“No one will be left behind, through this Capitol Outreach Program, Reaching Your Areas Now, we will materialize all your requests even this time of pandemic, both the municipal and the provincial government will strongly bond to fully deliver basic services to all” pahayag ni Gov. Singson sa unang araw ng outreach program sa Sigay Ilocos Sur.

Maghahatid ang pinalawak na outreach program ng tulong sa mga indibidwal sa sitwasyon ng krisis gayundin ng libreng medikal at dental na konsultasyon. Mamamahagi din ito ng gamot nang walang bayad gayundin ng libreng programa sa pagtutuli para sa mga batang lalaki.

Para sa mga magsasaka, ipamamahagi din sa outreach program ang mga kagamitan tulad ng harvesters, tractors, sprayers, mais at tobacco planters, diesel-powered water pumps, grass cutters, at fish feeds para sa mga fish cage operator. Ni Robbie Pangilinan

AUTHOR PROFILE