Default Thumbnail

Lolo, 64, timbog dahil sa baril

September 18, 2022 People's Tonight 348 views

ARESTADO ang isang 64-anyos na lolo matapos na iturong nangholdap sa isang gasolinahan sa Quezon City, kamakailan.

Ang suspek ay may asawa, painter at residente ng Bang-bang Tondo, Manila.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU-QCPD), bandang 4 a.m. (September 18), ng maaresto ang suspek sa F. Tubera St., Brgy. 254, Tondo.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Lorenz Mappala, nagsagawa ng follow-up operation ang CIDU sa pangunguna ni PLt. Randy M Gandingco, kasama ang biktima at confidential informant laban sa suspek na sangkot sa robbery holdup sa Uni-oil gasoline station sa D. Tuazon, Brgy. Maharlika, Quezon City, bandang 1:15 a.m. noong September 12.

Matapos na makipag-koordinasyon ang QCPD sa Manila Police District ay sakto namang nasalubong nila ang suspek na naglalakad sa nasabing kalye at nilapitan pa nito ang mga awtoridad sa pinagsabihan ng…“SINO KAYO! MGA TAGA SAAN KAYO! LAHAT NG DAYO DITO DUMADAAN MUNA SAKIN!”.

Nang magpakilalang pulis sina PSSg. Genaro Diego Jr. at Pat. Mc Louie Partosa ay napansin nilang biglang nilagay ng suspek ang kamay sa kaniyang baywang at nang makitang may baril ito ay agad nang dinakma ng mga awtoridad.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang .38 cal revolver na walang serial number na may apat na bala, at isang fired cartridge case.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa 10591 (Illegal Possession of Firearm) laban sa suspek.

AUTHOR PROFILE