Default Thumbnail

Kapangalan ni Mark Villar timbog

September 18, 2022 Jonjon Reyes 342 views

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District- Sta Mesa Police Station 8 ang kapangalan ni Senador Mark Villar, 28, dahil umano sa paglabag sa Omnibus Election Code matapos isilbi ang arrest warrant sa kanya sa harap ng kanyang bahay sa lungsod ng Caloocan.

Ayon kay PLt. Col. Dionelle Branon, commander ng MPD Station 8, kinilala ang suspek na si Mark John Olid, tricycle driver, binata, ng 392 5th Avenue, 2nd Street , BMBA Barangay 118, Caloocan City.

Batay sa ulat ni Police Major Izen Retorbar, Deputy Commander ng nasabing station, pasado 3:30 p.m. nang arestuhin ang suspek.

Katuwang ang tauhan ng Regional Mobile Force Batallon 3rd MFC ng National Capital Regional Office, kasama ang isang residente, ay natunton ng mga otoridad ang tinutuluyan ng suspek.

Ang warrant of arrest ng suspek ay inisyu ni Eugenio Dela Cruz, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 117 ng Pasay City dahil sa kasong paglabag sa Section 261 (y) (2) ng Omnibus Election Code

Isang pagpupugay at pasasalamat naman ang ipinaabot ni MPD Director Police Brig.General Andre P. Dizon sa mga kapulisan ng Sta Mesa Police Station 8 sa pamumuno ni PMaj. Retorbar dahil sa walang sawa nilang pag hahanap at pagtugis sa mga kriminal sa lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE